Jeremy Lin: Lintik sa Galing



“I was only 5-3. Luckily I grew. Maybe I was meant to be a basketball player. –  Jeremy Lin


SI cover

Lucky for us at tumangkad ang Taiwanese-American basketball phenomenon na si Jeremy Lin.  Bago ang seven game winning streak ng New York Knicks ay mga taga-Harvard lang yata ang nakakakilala kay Lin, ngayon ay bukambibig na ng lahat ang pangalan niya. Napansin pa nga ng douchebag na si Floyd Mayweather, Jr. ang gilas niya, pero gaya ng ginawa niya sa pambansang kamao ay alipusta at panlalait rin ang sinabi nito tungkol kay Lin. Mabuti na lang at nandyan si Spike Lee na sinupalpal ang kabalbalan ni Mayweather.

jeremy lin TIME cover

Sino nga ba si Jeremy Lin? Pinanganak siya noong Agosto 23, 1988 sa Los Angeles, California at ang kaniyang mga magulang ay mga Taiwanese na nag-migrate sa Estado Unidos noong kalagitnaan ng dekada 70. Sa huling taon niya sa hayskul ay pinangunahan niya ang kanyang alma mater na Palo Alto High School upang magtala ng 32 panalo at silatin ang nationally ranked na Mater Dei (51-47) para sa  California Interscholastic Federation (CIF) Division II state title.

lin high

Sa kolehiyo ay naglaro siya para sa Harvard kung saan siya nagtapos ng kursong Economics na may 3.1 GPA. Sa kasamaang palad ay hindi siya nkasama sa NBA draft kaya naglaro muna siya sa summer league ng NBA. Noong 2010 ay pumirma siya ng dalawang taong kontrata sa Golden State Warriors ngunit inilagay naman siya sa inactive list. Matapos nito ay naglaro rin siya sa dalawang pre-season games ng Houston Rockets at noong Disyembre ay kinuha si Lin ng New York Knicks at sumalang sa kanyang unang laro kalaban ang dati niyang koponan na Golden State Warriors. The rest is history.

Malamang ay nagsisisi ang Golden State at pinakawalan nila si Lin. Golden State’s loss is the New York Knicks’ gain.

Linsanity. Lincredible. Lintik. Lahat na yata ng adjective na pwedeng lagyan ng apelyido ni Lin ay nagawa na dahil sa kanyang popularidad.

linsanity

By the way Lin is an evangelical Christian who was a leader in Harvard’s Asian American Christian Fellowship during his time there.Lin would one day like to be a pastor who can head up non-profit organizations, either home or abroad. (Source: Wikipedia)

Ang tanong ay pang-matagalan kaya ang galing ni Lin? Your guess is as good as mine. To Linfinity and beyond.🙂

For more of the Linsanity click here.

8 thoughts on “Jeremy Lin: Lintik sa Galing

  1. I don’t even watch basketball anymore (footy fan) but I saw a highlights vid of him in the game vs the Lakers and was pretty impressed. I liked how he spoke when interviewed too, seems like a pretty grounded guy.

  2. ngayon ko lang talaga siya talaga nabasa ng bongga pero may ilang araw na rin ko nang naririnig na sikat nga siya.

    napakakulay ng pinagdaanan niya at so far, hindi naman siya magaling kundi may direksyon ang kanyang on and off court life.

    mabuhay sa kanya!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s