Tadonggeniuskuno’s Book of the Month: Lumayo ka Nga Sa Akin


Matapos ang ilang buwang paghahanap ay nakabili rin ako ng bagong libro ni Bob Ong na “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Sa unang tingin ay mukha itong karaniwang romance novel, parang ka-liga ng Precious Hearts at Valentine Romances. Di ko nga binasa sa bus kanina dahil sa baka kung ano ang isipin nung katabi kong matanda sa bus.

lumayo cover

Kung ang nakaraan niyang akda na Mga Kaibigan ni Mama Susan ay isinulat na parang diary, ang Lumayo ay mistulang iskrip ng pelikula. Tinalakay nito ang popular na kulturang Pinoy, ang pagkahumaling natin sa mga noontime show, mga palasak na teleserye, horror movies na kadalasang tuwing Disyembre ipinapalabas, mga depressing na balita  atbp.

Halimbawa:

INT. CAFE SOSI. HAPON.

Masayang nagkukuwentuhan sina Dina Tuazon at Joleena Ann Barretto sa isang eleganteng restaurant na paborito ring tambayan ng mga foreigner at artista. Purong English ang salita ng mga waiter na bumabagay sa kalansing ng mga crystal ware at masterpiece nina Mozart at Bach.

Pagsasabayin ni Divina ang pagnguya ng cheesecake at ang pagpupunas ng tissue sa paligid ng bibig, saka babalikan ang kausap.

DIVINA

No underwear in public? Sino bang tao ang magsasabing ‘Naku, buti na lang may billboard ng brief dito sa EDSA! Salamat at nakita ko. Makabili nga muna.’?

JOLEENA ANN

Sino naman ang nagsabi sa’yong mula sa EDSA dapat bumili na sila kaagad ng brief at panty? (Hihigop ng espresso saka kakagat ng isaw) Hindi naman yun ang message!

DIVINA

Precisely bakit hindi ilagay ang mga advertisement sa tamang lugar? Sa mga website, sa catalogue, sa akmang magazine, o kahit pa sa mga mall o pader sa loob ng tindahan ng underwear. Wala namang sumisita sa kaniladoon kahit gaano kahalay ang mga retrato nila.

JOLEENA ANN

(Habang naglalagay ng bagoong sa santol)

Ang malaswa sa isang tao, pwedeng disente sa iba.

DIVINA

So pag may bisita sa bahay niyo tama lang na naglalakad lakad ka nang naka-panty lang? Or okay lang sa’yo at lalabas ka pa ng EDSA?

JOLEENA ANN

(Puno ng palitaw ang bibig)

Whatever. Masyado lang sarado ang isip mo, bestfriend.

DIVINA

Ganon? Sarado ang isip ko At para sa’yo tama lang ang idinidikta ng mga negosyanteng nagtitinda ng damit, at mga doktor na nagreretoke ng ilong, humihigop ng taba, at nagdadagdag ng suso ng kung sino at ano ba dapat ang magandang tao? Hindi ka nila ginagawan ng pantalon kasi punggok ka, hindi ka nila ginagawan ng blouse kasi tabatsuy ka, dapat ikaw si Megan Fox para pwede sa’yo ang damit nila! ‘Yon ba ang ibig mong sabihin, Joleena Ann? Ang lalaking walang abs, pangit? Ang babaeng mahaba ang damit, hindi sexy? Ang mga hottie ay base lang sa standards ng mga patalastas? Kung hindi natin kamukha ang mga modelo at iba ang mga suot nating sapatos, pantalon, at damit sa kanila, pangit na tayo kaagad? Ampapangit ng nilikha ng Maykapal, ganoon ba? Ganoon ba, Joleena Ann?

(Tatayo, dudukot ng baril sa bag at itututok ito sa kausap)

Kung ganoon, magsama kayo ng palitaw mo sa impyerno!

Katawa-tawa ang mga sitwasyon subalit sa likod ng komedya ay may punto si Bob Ong. (kung sino man si Bob Ong, isang tanong na wala pa ring makasagot makalipas ang ilang matagumpay na aklat na agad na sold out sa mga bookstore) Ang komentaryo sa buhay Pilipino ay naihatid niya sa paraan na madaling maintindihan, di gaya ng sa impeachment trial ni CJ Corona na laginng dumudugo ang ilong ko sa tuwing pinapanood ko sa telebisyon.

Natalakay na rin sa iba niyang mga akda ang mga isyung nasa aklat na ito pero nagawa pa rin niya na bigyan ng ibang atake ang paghahayag ng mg mainit na usapin gaya ng Angry Birds at whitening lotion. Masasabi ko na may hawig ang tema sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Mga Pilipino at Libro ni Hudas. Pero kung papipiliin ako ay paborito ko pa rin ang ABNKKBSNPLAko?

Do I recommend this book? Op kors madlang pipol of the Pilipins. Sa halagang Php175.00 ay katumbas na ito ng 5 teleserye kung substance din lang ang labanan.

14 thoughts on “Tadonggeniuskuno’s Book of the Month: Lumayo ka Nga Sa Akin

  1. Nabasa ko na rin ito habang nasa MRT ako, habang nag-start pa lamang mag-open ang computer ko sa opisina.

    Takaw-tingin ang pabalat…napatunayan ko na sa MRT.

    Makatotohanan ang kaniyang obserbasyon at palagay ko nga eh may mga pagkakahawig sa tunay na buhay ang ilang karakter ni Bob Ong doon. Mga karakter na sa totoong buhay ay napapanood natin sa telebisyon.

    Napapanahon din ang daloy ng kuwento, ang mga salitang ginamit para ka lamang ding nagbasa online.

    Hindi naluluma dahil nga tumatalakay ito sa kalagayan ng “MASS Media” dito sa atin.

  2. yah cj corona is the name i was looking for. i thought this book was coming from the precious hearts collections.hehe and yes bob ong remains a mystery lalong lalo na sa mga aklat na na publish nya

  3. Four thumbs up for Bob Ong books!!!🙂 Don’t have a copy of this one yet – nakakatakot ilabas yung book – hehehe i hate romance novels pa naman.. kasi ganun ang itsura ng cover nya… sa bahay ko lang pwede basahin to hahaha!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s