Paalam Kodak


“Kodakan naman tayo”

Ito ang Pinoy slang para sa picture taking at marahil isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng impluwensiya ng Kodak sa popular na kultura. Itinayo ni George Eastman noong 1889,(pormal na tawag: Eastman Kodak) ang Kodak ay nakilala sa mga photographic film na ginamit hindi lamang ng mga propesyonal na photographer kundi ng mga karaniwang tao na nais lamang kunan ng larawan ang mahahalagang bahagi ng kanilang buhay.

kodak ad

Bata pa lang ako ay nahilig na ako sa photography, di ko na-develop ang munti kong talento sa pagguhit kung kaya ay itinuon ko sa pagkuha ng mga larawan ang aking kabiguan sa biswal na sining. Binilhan ako ni Mama ng una kong kamera noong hayskul, isang Kodak Star 275 na walang zoom. Iyon na siguro ang pinakapaborito kong Christmas gift sa tanang buhay ko.

kodak

Hindi na siya gumagana ngayon subalit itinatago ko pa rin, sentimental value ikanga nila, ito ang nagpapaalala sa akin ng pagsisimula ko sa pagkuha ng larawan. Isang sining na hanggang sa ngayon ay patuloy kong pinagaaralan at pinagsisikapang paghusayan.

Sa pag-usbong ng digital photography ay napag-iwanan ang Kodak ng mga kalaban nito. Naungusan ito ng Canon, Nikon, atbp. Hindi ito nakasabay sa andar ng pagbabago at nanatili sa mga kinagisnan nitong produkto. Bagamat sila ang naglabas ng isa sa mga unang digicam ay di nila ito napagbuti kung kaya’t lumipat ang mga konsyumer na kinalakhan ang Kodak sa ibang mga brand.

Nitong ika-19 ng Enero ay nagsumite ng Chapter 11 bankruptcy protection ang Kodak at iyon na ang katapusan ng kumpanyang ating nakagisnan. Nariyan pa rin ang Kodak ngunit hindi na ito ang dating hari ng industriya.

Salamat Kodak, you will always have a special place in our hearts.

Till my next rant. Peace and Stay fresh dear readers.

PS: Or as Heidi Klum probably said to Seal: Auf Wiedehersen🙂

8 thoughts on “Paalam Kodak

  1. Eh nilagyan nila ng mga LIMITED SEATS sa ibang scheds, kasi maraming estudyante ang pinapanood, hassle para sa iba na pumunta lang para dito tapos wala naman palang seats. Sana they blocked off dates nalang exclusive sa students. Chaka.

  2. my first digi cam is kodak and i can say na sa lahat ng nahawakan kong digicam the best pa rin ang kodak ko sa landscape and outdoor. siguro bukod sa mahirap ipangkuha sa dilim, bulky yung mga unang labas ng camera nila. bukod don wala na akong masabi kundi magagandang bagay.

    nakakalungkot naman yung news na ito… pero sana makabawi sila at muling buhayin yung biz. anyway, sa printing naman ata nandyan pa rin sila. Siguro innovation lang sa product at aggressive marketing…kaya nilang makabalik. hello KODAK kaya sila.

    mabuhay!

  3. Alaala na lang ang Kodak.. Wag kayong mag-alala.. Darating din ang araw at digital camera naman ang malalaos.. 10 years to 20 years from now.. Ganyan talaga pag di ka sumabay sa advancement ng technology.. Continuous improvement talaga ang kelangan at research..

  4. Nag-file ng Bankruptcy protection ung Kodak….

    “January 19, 2012: Kodak filed for Chapter 11 Bankruptcy Protection.[65][9][10] The company’s stock was delisted from NYSE and moved to OTC exchange. Following the news it ended the day trading down 35% at $0.36 a share.”
    – galing sa wikipedia page ng Kodak

    Kumag kasi ung mga executives nila e…

  5. Ganun lang din siguro ang kahahantungan ng mga naunang sumikat, kapag hindi naging malikhain at “resourceful” sa craft nito, pagkalugi ang kauuwian.

    Graduation, bagong silang na sanggol, namatay, at ang mga pangyayaring ika nga ay espesyal sa ating buhay, lahat ay buong pagmamahal na naiproseso ng KODAK.

    Salamat Kodak.

    Aywan ko lang kung tama pa ang pagkakatanda ko na itong si Eastman ay nagpakamatay pagkatapos niya (KODAK) maitayo at madiskubre ito.Parang ganiyan ang paglalahad.
    🙂

  6. Mahirap to kasi expression na sa’ting mga Pinoy ang salitang “Kodak” sa tuwing kukuha ng litrato.

    Hindi pa naman sila siguro magpapaalam. Sadyang nadiskaril lang talaga sa digital photography. Sana gumaya sila sa diskarte ng Hallmark, kumukuha ng income bukod sa mga greeting cards nila.

  7. An era has ended. I dunno if I should miss kodakan. In a way it was better cuz people didn’t take too many useless wala-lang photos kasi mahal ang film at magpa-develop. And although the kodak couldn’t be conveniently shared to many people at one time (the only way to see photos would be to physically bring the kodak with you or when people go to your house and you show them your heavy photo albums), they cannot be corrupted by a virus or deleted.

    Btw, I just read recently that the Kodak Theater, where the Oscars are held, will be renamed cuz Kodak, the company, could not pay for the naming rights anymore. Truly the end of an era.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s