Preachers sa Bus at ang Christmas Rush


Tuwing sasapit ang Christmas season ay dumadami rin ang mga tulad nila, mga akala mong regular na pasahero na nagmamadaling makauwi sa kanilang tahanan o pumasok sa kanilang opisina. Magugulat ka na lang at bigla silang tatayo at ganito ang opening line “Magandang araw/gabi mga kapatid, salamat sa driver at konduktor ng bus na ito. Pasensya na po sa abala. Nandito lang po kami upang ibahagi sa inyo ang salita ng Panginoon…” Yan nga ang kanilang script, gaya kagabi nang may isang babaeng nangaral sa sinasakyan kong Greenstar na bus na biyaheng Lawton-Alabang.

bus preacherPiniktyuran ko yung babae pero tuwing makikita niya ying kamera ko ay lumilipat siya ng puwesto, hindi ko alam kung bakit. Hindi ako palasimba pero iginagalang ko kung gusto man nilang ibahagi ang salita ng Maykapal sa mg tao dahil nasa bansang may demokrasya naman tayo. Ang hindi ko lang magustuhan ay yung panghihingi nila ng “donasyon” para daw sa ginagawa nilang pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi ko alam kung ano yung tinutulungan nila at kung saang simbahan galing si Ate dahil di niya yun sinabi at wala ring nakalagay sa envelope na kanyang ipinamahagi sa mga pasahero.

envelope

Nung nakaraan ay may dalawang tinedyer din na umakyat sa bus at bukod sa nakasanayan nilang speech ay kumanta pa sila sabay bigay nito upang manghingi din ng “donasyon”

letter

Bakit nga ba tuwing ganitong panahon sila madalas na nagpapalaganap ng kanilang mga paniniwala at nagsasabi sa mga tao na maging mapagmahal sa kapwa. Katropa din ba nila yung mga bata na nagbibigay rin ng sobre na may nakalagay na “Kuya/Ate, pambili lang po ng pagkain”. Mabuti pa nga yung nagtitinda ng macapuno at pastillas kahit ganun din yung gimik at least may ibinibentang produkto. May marketing strategy lang na gaya nito:

note

Sabi nga ni Kuya eh, “It is better to sell than to beg for money.” How about you dear readers, whatchathink about this Xmas phenomenon? Tama ba na mas madami ang tulad nila tuwing sasapit ang Pasko? Dapat ba tayong magbigay ng “donasyon”? Ano na ang balita kay Mo Twister at Rhian Ramos?

Update: Kagabi ay may umakyat na naman sa bus na sinakyan ko. Ito naman ang pinamigay ni Kuya sa mga pasahero.

love offering

Till my next rant. Peace and Stay fresh.๐Ÿ™‚

10 thoughts on “Preachers sa Bus at ang Christmas Rush

  1. Actually, hindi lang ‘to sa mga bus. Sa jeep mula samen papuntang Monumento, kahit hindi magpapasko maraming umaakyat na kala mo pasahero, then biglang pupunta sa gitna at mangangaral tungkol sa Diyos at sa Kanyang salita. Wala naman akong anything against them, pero mahirap na kasi magtiwala baka gimik lang to at sa bulsa lang nila napupunta. If gusto talaga nila makahingi ng donasyon, at para maprove ang authenticity nila, bakit di nalang sila mangaral then mamigay ng flier na may info kung saan yung church nila o samahan, para pwedeng dun nalang pupunta yung mga interesadong magbigay.

    Sa hirap ng buhay ngayon mahirap na rin talaga magtiwala. Di mo alam kung yung “donasyon” ba eh may kapupuntahang mabuti o sa sindikato lang pala mapupunta.

  2. Humahanga ako sa kanila kung talgang sa simbahan nila binibigay ang lahat ng donasyon..

    tama si sumi

    minsan din kasi ang hirap nga magtiwala ..

    hindi ntin alam kung saan napupunta ang pera na imbis makatulong pla tayo ay lalo lang ntin sinusuportahan ang mga gawang hindi kaayaya..

  3. Hindi lang din sila tuwing Pasko nanghihingi ng donasyon. At kagaya mo rin, wala akong problema kung ipamahagi man nila kahit saan ang salita ng Diyos. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kelangan nila humingi ng mga donasyon. Minsan na akong nakaranas ng ganito nung naka-base ako sa Bukidnon. At tulad mo, nabigla ako kay ate nung bigla siyang tumayo at sinabi ang kanyang opening line (di ko nga lang matandaan kung ano). At dahil parang alam ko na kung ano ang gimik niya, nagtulug-tulugan ako. Hahaha. Pero wa epek kay ate kasi ginising pa rin niya ako at inabot ang sobre.๐Ÿ˜ฆ

    Nakakasama lang ng loob minsan na ginagamit ang salita ng Diyos para sa mga ganitong gimik. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng mga gumagawa ng ganito ay gumigimik lang.๐Ÿ™‚

  4. nadadala na ako sa mga ganyan. ang ginagawa ko sa mga (1) mangangaral/humihingi ng donasyon sa charity na may mga envelope na may print, hinahanapan ko ng address ng grupo nila. kapag walang address, hindi ako nagbibigay. kapag may address, sinasabi ko na lang na ako na lang magbibigay ng pera at i-aabot doon sa address na nakalagay sa sobre. madaming nagugulat sa akin kapag sinabi kong ako na lang magbibigay sa nakalagay na address. para bang “naku! buking ako!” ang expression sa mga mukha nila.๐Ÿ˜€

    (2) kung yung mga nagbebenta ng macapuno/pastillas, madalas ay bumibili ako kahit isa man lang kung may sobrang pera. tama ka nga, mas mabuti pa ang ganoong paraan (kahit malamang ay hindi totoo ang dahilan ng pagbebenta) parang “marketing strategy” nga. ikaw na bahala kung maniniwala ka na or hindi. parang commercial lang sa TV. di mo na alam kung totoo ang ina-advertise o pambobola lang.

    (3) kung yung mga batang nanlilimos lang at nangangaroling/punas ng sapatos, hindi ko talaga sila binibigyan. bukod sa labag ito sa batas (if i’m not mistaken, PD 1563), i feel na lalo ko lang ine-encourage ang mga batang manlimos dahil kumikita sila ng pera dito. it only instills in them na “dahil may nakukuhang pera sa pangangaroling, hindi na lang ako mag-aaral.” and i guess the same logic applies to their parents. “kung mas nakaka-awa at kumikita ang anak ko sa panlilimos, bakit pa ako magta-trabaho?” and by condoning it and giving them money, na-e-encourage ang ganitong sistema. i’d rather give to charitable institutions (e.g. Caritas, home for the aged, Anawin, BoysTown, etc.).

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s