Tara Let’s Read: November 25 is National Reading Day


“Give me a man or woman who has read a thousand books and you give me an interesting companion. Give me a man or woman who has read perhaps three and you give me a dangerous enemy indeed.”

– Anne Rice, The Wiching Hour

Ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon na ang buwan ng Nobyembre ay ang Pambansang Araw ng Pagbasa bilang pagtaguyod sa Ten-Point Basic Education Agenda at “Every Child a Reader” program ng kasalukuyang administrasyon. Ito ay upang mahikayat ang mga kabataan na magbasa sa kabila ng popularidad ng TV, computer games, text messaging at social networks na gaya ng Facebook at Twitter.

Dose anyos na ako ng makabili ng black and white na TV ang nanay ko (yung TV pa na de-pihit ang paglipat) at madalas ay sa kapitbahay lang ako nakikinuod kaya pag di ako makapanood ng TV ay sa pagbabasa ko na lang inaaliw ang sarili ko. Ang pagbabasa ang naging dibersyon ko sa mapanglaw na maghapon. Sa tulong ng pagbabasa ay marami akong natutunan na hindi ko nakuha sa paaralan. May mga lugar akong narating kahit sa imahinasyon lamang at may mga aral na patuloy kong sinusunod na nakuha ko sa mga pahina ng mga aklat na nabasa ko.

Kaya natutuwa ako na may isang buwan na tampok ang pagbabasa. Bihira na sa kabataan ang mahilig magbasa dahil na rin sa dami ng puwedeng paglibangan pero nanininwala ako na hindi pa rin natin ito dapat kalimutan. As I had quoted Bob Ong in a previous post: “Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

Sabi ng iba ay mahal daw ang mga aklat, ang sagot ko naman ay mahal eh meron nga kayong pang-load para makapag-unlimited text o di kaya ay pang-DOTA pero wala kayong pera para ipambili kahit isang aklat o anumang babasahin. Kung nagkukuripot ay meron namang Booksale (paraiso ng mga book lovers).

Heto ang ilan sa mga aklat na paborito ko:

1. ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong

Roughly translated as Wow I can read?!, Ito ay nailimbag noong 2001 at tungkol sa mga karanasan ng (diumano, dahil walang nakakaalam kung sino nga ba talaga si Bob Ong) may-akda mula ng magsimula siya sa pag-aaral hanggang sa tumuntong siya ng kolehiyo. Naisulat na parang nakikipagusap lamang sa nagbabasa ang may-akda nagustuhan ko ito dahil sa nakakatawa nitong atake sa pagkukuwento. Nakarelate ako dito dahil sa nagaral ako sa pampublikong paaralan at parang kaklase ko lang sa row 4 yung nagkukwento.

ABNKKBSNPLAKo

Quotable quote: “Parang “Time’s Up!” ang reunion,”pass your papers finished or not!” Oras na para husgahan kung naging sino ka…o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?”

2. Pacific Rims: Beermen Ballin’ in Flip-Flops and the Philippines’ Unlikely Love Affair with Basketball ni Rafe Bartholomew

Sino ang mag-aakala na ang isang Amerikano  na si Bartholomew (who I believe deserves to be an honorary Filipino) ang makakapagsulat ng komprehensibong kasaysayan ng basketball sa Pilipinas. Nasapul ng aklat hindi lamang ang pagkahilig ng mga Pinoy sa larong naimbento ni James Naismith kundi pati na rin kung paano nito naimpluwensyahan ang iba’t ibang bahagi ng kulturang Pilipino. Must read yung Unano vs. Badings Showdown, trust me.🙂

Pacific Rims

Quotable quote: “Philippine culture was clearly different. It wasn’t the fan’s duty to remain aloof in the presence of stars; it was the player’s responsibility to show gratitude to the average Filipino.”

3. Into Thin Air ni Jon Krakauer

Marami ang nagnanais na maakyat ang Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Magtagumpay ka man na marating ang tuktok nito ay may panganib pa ring nakaamba sa pagbaba mo. Mayo 10, 1996 ng umakyat ang grupo ni Krakauer kasama ang iba pang mountain climber at mahusay niyang naikwento ang malungkot nilang karanasan na naging mitsa ng kamatayan ng ilan nilang kasamahan.

into thin air

Quotable quote: “It was titillating to brush up against the enigma of mortality, to steal a glimpse across its forbidden frontier. Climbing was a magnificient activity, I firmly believed, not in spite of the inherent perils, but precisely because of them.”

Tara let’s read, kahit ano pa mang aklat o babasahin. Kahit na yung diyaryo na pinambalot ng tinapa, ang mahalaga ay nagbasa ka. Hanggang sa susunod na blogpost. Peace and stay fresh dear readers.

2 thoughts on “Tara Let’s Read: November 25 is National Reading Day

  1. Gusto ko ang napapaligiran ako ng mga libro, nagsimula yan noong college na kung saan ang tambayan ko ay ang library namin. pero hindi naman ako yung basa ng basa basta may oras at may magustuhan, ganoon. nakakatuwa naman at may tinatawag na palang buwan ng pagbabasa. sana nga ay mas marami ang mahikayat sa ganitong gawain kasi nagpapayaman talaga ng kaalaman.

    actually nitong mga nakaraan lang ako nahilig sa pagbabasa pero hindi literary… mga guide books at magazines.

    all time favorite ko ang little women at ang mga ibong mandaragit. i agree na hindi mahal ang libro kung ito ang hilig mo talaga. mas maraming mas mahal na bagay pero madaling nasisira o nawawala ang interes. when i read books lalo na if it’s about nurturing my knowledge gaya sa business, computer and communication skill. i take it as an investment. for 250 plus mahal pero yung 250 plus kung iko-compare sa seminars ang layo like 3000 plus. saka sa books may makakatas ka pa after mong mabasa lets say matuto ka ng bagong words, yayaman ang iyong vocabulary.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s