The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto


Balik muna tayo sa wikang Filipino dahil sa naubos na yung mga pinakatago-tago kong Ingles sa baul.Kagabi ay naglilipat ako ng channel (mayroon akong ADD pagdating sa panonood ng TV) nang makita ko ang bagong programa ng TV 5 na “The Jose and Wally Show starring Vic Sotto”. Wala na pala yung ‘Laugh or Lose” at ito na yung pumalit.

Tuwing nanunuod ako ng Eat Bulaga ay inaabangan ko ang segment nila na All For Juan, Juan For All dahil sa talaga namang nakakatawa silang panuorin. Siyempre isama na rin natin si Bossing Vic Sotto with his deadpan humor at ang walang katapusan niyang birthday dahil bawat nanalo sa Eat Bulaga ay Happy Birthday ang bati sa kanya.

the jose and wally show

Ang bago nilang palabas ay tungkol sa dalawang has-been comedians na sina Jose at Wally na mula sa magkalabang network at sa kanilang pagnanais na muling buhayin ang kanilang mga career sa tulong na rin ng kanilang direktor na ginagampanan ni Bossing Vic. Nakumbinse ni Direk Vic ang isang up and coming TV network na bigyan ng show ang dalawa at diyan na nga umiinog ang weekly misadventures ng ating underrated comic duo (I still remember their defunct gag show H3O: Hahaha Over from QTV11). Kasama rin nila sa show within a show sina Jimmy Santos, Boboy Garovillo, Nina Jose, Diane Medina at ang surprisingly ay magaling sa comedy na si Bb. Miriam Quiambao (oo nga pala, andun siya sa Kimmy Dora).

Di gaya nuong dekada nobenta na maraming sitcoms sa telebisyon kaya natutuwa ako na mayroong bagong sitcom na pwede na rin nating sabihin na isang mockumentary (nauso na ata dahil kay Lilia Cuntapay). Sana ay magtagal ang programa at marami pa kayong mapaligaya. Kudos sa TV 5 at sa bumubuo ng The  Jose and Wally Show Starring Vic Sotto. Something fresh and different tuwing Sabado ng gabi. Nakakapagod na rin kasi ang iyakan sa mga teleserye.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh Pilipinas.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s