Dalawang taon bilang manggagawa sa Kultura


Nagsimula na akong mag-training noon bilang airline reservations specialist para sa isang call center sa McKinley Hill, Taguig ng tumawag ang recruitment specialist ng pambansang ahensiya kung saan ako nag-apply ilang linggo na ang nakaraan. Ang sabi ay pumunta daw ako sa kanilang opisina dahil natanggap na daw ako. Bagamat umoo ako at sinabi kong pupunta ako ay nagdalawang isip pa rin ako kung tatanggapin ko ang trabaho.

Nakapirma na ako ng kontrata sa call center at gamay ko na rin yung industriya dahil sa doon rin naman ako nagsimula. Maliban doon ay walang kasiguraduhan kung maganda nga yung trabahong naghihintay sa akin at 23 kilometro ang layo nito mula sa aking tinitirhan, para uli akong estudyante gaya nung nag-aaral pa ako sa Sta. Mesa.

Matapos ang konsultasyon sa ilang kaibigan ay napagdesisyunan ko na ring ituloy ang pagiging kawani ng pamahalaan. Alam kong mas mababa ang sahod na matatanggap ko kumpara sa nakasanayan ko sa call cen’er pero, what the heck, let this be the start of my new adventure. Yun din pala ang unang beses na nag-walk in application ako sa isang kumpanya/organisasyon. Madalas ay sa email o Jobstreet lang ako nag-aapply at naghihintay na lang ako ng tawag mula sa HR.

tadonggeniuskuno

(kuha ni Marvin Alcaraz)

Fast Forward to 2011: Dalawang taon na pala ang lumipas at nandito pa rin ako. Record breaking ito mga parekoy dahil madalas ay isang taon lang ang tinatagal ko sa pinagtatrabahuhan ko at umaalis na ako. Minsan ay dahil sa sawa na ako sa trabaho pero higit pa dun ay dahil sa di na ako masaya sa ginagawa ko. Happiness lang talaga ang dahilan. Mas malaki naman yung suweldo ko dati pero I still chose to resign. So am I happy where I am right now?

Do I still have to answer that dear readers? Till my next rant Peace and Stay fresh Pilipinas.๐Ÿ™‚

P.S. Hope they don’t fire me. I think I have to cross my fingers.๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s