Certified Geek: Mula sa Dyaryo at Libro ni Taddonggeniuskuno


Nagaayos ako ng mga gamit ko kanina, (translation: halungkat mode dahil may di makitang dapat makita) ng mapansin ko ang ilang newspaper clippings na naitago ko. Obvious na obvious ang pagiging geek ko dahil mga tulad ko lang naman ata ang nagkukolekta nito. Ewan ko kung bakit, marahil isa na naman ito sa just-in-case-i-need-it collection ko. Mga bagay na pwede ko namang itapon pero itinatago ko pa din.

Tulad nito:

pinoy trivia
I actually miss this, lalo pa at di na ako regular na nagbabasa ng Philippine Daily Inquirer in its printed form, madalas ay online na lang para tipid. Wala na rin ito sa PDI, hindi ko matandaan kung kailan yung huling beses na lumabas ito sa pahina ng nangunugunang broadsheet sa bansa. Inaabangan ko ito dati dahil mapagkukunan ko ito ng bagong impormasyon na magagamit ko kung sakaling makasali ako sa Who Wants to be a Millionaire o sa Jeopardy (na mukhang malabong mangyari).

Bago ang Google era ay isa ito sa mga pinagkukunan ko ng additional information. Binili ko pa nga dati yung compilation nito nung hayskul, na hindi ko na matandaan kung saan napunta. Naaalala ko kung saan ginanap ang pangatlong Olympics (St. Louis, 1904, kasabay ng World’s Fair!) pero di ko maalala kung sino ang nanghiram ng mga libro ko. Selective amnesia ba ito?

Here’s another one:

Pinoy Nga!Maliban sa Slice of Life ni Larry Alcala, ang Pinoy Nga! ni Jess Abrera para sa PDI ang paborito kong cartoon series sa pahayagan. Sa bawat linggong paglabas nito sa Sunday inquirer Magazine ay naipapakita nito ang kulturang Pinoy na tunay na nakakatuwa. Hindi ka man mapahalakhak ay siguradong mapapangiti ka dahil kuhang kuha nito ang mga nakakatuwang gawi nating mga Pinoy.

Pati ito ay ginugupit ko dati, hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang, masama ba? Walang basagan ng trip!

May mga binili nga rin pala akong libro sa Booksale, ang paraiso ng mga tulad kong mahilig sa libro pero ubod ng kuripot.

booksA Long Way From Home (autobiography ni Tom Brokaw, dating news anchor ng NBC), Chamberlain Bros. International Student Film Festival (may kasama kasing DVD, saka gusto ko rin maging filmmaker kaya binili ko na rin), In The Heart of The Sea ni Nathaniel Philbrick (kung mahilig ka sa adventure books, this one is a must read, true to life at may halo pang cannibalism) at ang Tick … Tick … Tick … (The Long Life and Turbulent Times of 60 Minutes). Lahat ng yan sa halagang Php70.00. Napansin ko nga lang na puro non-fiction books yung mga hilig ko ngayon. What a geek, right?

Till my next rant. Peace and Stay Fresh dear readers. And if you’re not into reading, I suggest you start now. Sabi nga ni Bob Ong:

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

PS. Kung nagtatanong kayo kung may clippings din ako ng Xerex, wala, bakit ko naman gugupitin yun? Ah, di nyo ba tinatanong, ok, fine, defensive lang🙂

One thought on “Certified Geek: Mula sa Dyaryo at Libro ni Taddonggeniuskuno

  1. Parehas na parehas tayo ng trip…at nabanggit mo nga pala ang booksale na tambayan ko din nung di pa ako nag i-internet. MAhilig naman akong bumili ng mga Sci.-Fi at Fantasy fiction. Nakakainis na internet, naging dependent ako masyado sa net. Kung koleksyon lang naman ang pag uusapan gumugupit din ako ng news paper clippings, puro mga cartoons nga lang at ang paborito kong section sa PDI ay yung Lifestyle section nila…lalong lalo na nung na i-feature nila yung mga table top fountain, na gusto kong gumawa out of old aquarium pump. Dati sa bodega ng pabrika (2002 pa noon) ay nag working student ako. Utility ako sa warehouse, at sa isang sulok noon ay may naka bunton na mga lumang PDI ito yung mga newspaper ng mga office employee at ng may ari ng pabrika. Doon ako kumukuha ng mga clippings, pag breaktime doon ako sa sulok na ‘yon nag-lalagi hahaha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s