Ang Pagbabalik ng Kababalaghan ni Kabayan Noli De Castro


Naging tradisyon na ng bawat tahanang Pilipino ang pagtunghay sa mga kwentong puno ng misteryo at kababalaghan. Katulad ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, mga elementong hindi nakikita at mga misteryosong nagaganap na walang kapaliwanagan. Mga kuwentong nagdudulot ng takot at pangamba at mga karanasang sumusukat sa ating pananalig at pananampalataya. Ngayong gabi, mga panibagong makatindig balahibong istorya ang gigising sa inyong kamulatan. Samahan nyo kaming silipin ang mundo ng KABABALAGHAN

Yan ang pambungad na bati ni Kabayan Noli De Castro sa inaabangan at most requested Halloween special of all-time (at least in my opinion) na Kababalaghan na ipinalabas kagabi sa Kapamilya Network.

Sa maikling panahon ay naibalik ako nito sa aking kamusmusan. Ang panahong brodkaster lang si Kabayan at hindi pa “Teeeveeey Patrol” ang bigkas niya sa TV Patrol at ang Magandang Gabi Bayan o MGB pa ang naghahari sa ere tuwing Sabado ng gabi. Lagi naming inaantabayanan ang mga episode ng MGB pero ibang pag-aabang at pananabik ang hatid ng kanilang episode tuwing Undas.

mgb

Mga kuwento ng sinasapian, iba’t ibang bersyon ng gimikerang White Lady na kung saan sang lugar yata nagpupunta (dapat siguro may Foursquare account na siya), mga elemental at nilalang sa ibang dimensyon at iba pang mga misteryong Pinoy na Pinoy.

kababalaghan

Kaya nga ng ipinalabas na ng ABS-CBN ang anunsyo na magbabalik sa telebisyon ang Kababalaghan ng MGB ay lubos akong natuwa. Hindi dahil sa muli akong matatakot kundi dahil sa muli akong magiging bata kahit sa sandaling panahon lang. May mga bagay kasi na nagpapaalala sa atin ng nakaraan — I know, of all things eh ito pa — pero masaya ang manuod ng MGB. Naisip ko nga na kung gumanap ako dun sa mga reenactment nila dati eh maari kong banggitin yun lagi lagi pag may kuwentuhan ang barkada. Bragging rights kaya yun, kahit pa ang role mo ay nagdidiliryo at namumuti ang mata dahil sinapian ka ng kaluluwa ng alalay ni Miguel Lopez de Legazpi o di kaya ay may nainlab sa iyong prinsesa ng kaharian sa kabilang dimensyon. In fairness, nag-improve yung reenactment, pwede nang indie film na Pang-Cannes.

Mabuhay Kabayan at sa mga nagpakahirap na muling ibalik ang taunang tradisyon na ito. Sana hindi ito ang huli, mas maganda siguro kung maibabalik ang MGB pero kung hindi pwede ay ok na rin kahit sa isang taon ay masilayan ng madlang pipol ang mundo ng Kababalaghan.

Kung na-miss mo ang episode kagabi, watch it here. Till my next rant, Peace and Stay Fresh ngayong Undas.

PS.: Basahin nyo na rin ang luma kong post tungkol sa mga awiting nais kong patugtugin pag dumating na yung oras ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s