A Flavorful Night at the Pizza Hut Tuscani Blogger’s Meet & Greet with Shamcey Supsup


I had the privilege of being invited along with other bloggers to meet and greet Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup as part of Pizza Hut Philippines’ marketing campaign for their new Tuscani Pizza —- ang sosyal mga parekoy, it never crossed my mind that I would actually meet her in person but thanks to the powers that be who gave me an invite to this event ay nakahalubilo ko ang isa sa pinakamagandang dilag sa sanlibutan.

shamcey and the bloggers

Gusto ko sanang magsisigaw ng “Shamcey, I β™₯ U”, kaso baka hilahin ako ni Manong guard at tuluyang masira ang aking mga pangarap kaya pinigilan ko ang aking sarili dahil di pa nila naihain ang Tuscani Pizza. Sayang ang libreng pagkain, because food is good and it’s even better when it’s free (Ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pang-araw araw na buhay).πŸ™‚shamcey tuscani

Ang meet and greet event ay ginanap sa Pizza Hut Bistro sa Glorietta 4 at dinaluhan ng may limampung blogger —kung tama ang kuwenta ko, pasensya na medyo bano ako pagdating sa Math. Pero ang sigurado ako ay masarap ang Tuscani Pizza, walang halong pagiimbot at buong katapatan kong sinasabi mga ka-barangay. Pizza na maumami, pagkagat mo pa lang ay sasabog na ang isanlibo at isang laksang lasa — explosion of flavors sabi nga nung kapwa ko blogger na dumalo sa pagdiriwang. Pinatikman sa amin yung Supremo at All Meat Pizza.


tuscani supremo pizza

Hindi siya thin crust at hindi rin naman gaya ng pan pizza, tamang tama lang at gaya nga ng sinabi ko kanina ay maumami ang lasa. Maliban sa Supremo at Premium All-Meat ay available din ito sa ibang flavor gaya ng 3 -Cheese Bacon and Spinach(ang paborito ni Shamcey, I know kasi close kami [feeling close]), Gourmet BBQ Chicken at Roast Beef.

At para nga mas maengganyo ang mga pizza lovers na subukan ang Tuscani Pizza ay mayroon silang sa Facebook at Tumblr.

Sa Facebook:

I-like lamang ang Pizza Hut Philippines page sa Facebook at gamit ang Flavor Your Life app ay i-upload ang iyong larawan na kumakain ng kahit anong flavor ng Tuscani pizza. Maari ka ng magkaroon ng tsansang manalo ng Php1,000 GC mula sa Pizza Hut.Β  Ang promo period ay mula October 26 – December 8.

Sa Tumblr:

Piliin lamang kung aling gantimpala ang iyong nais:

a. Supremo – iPad 2

b. All Meat – iPhone 4

c. Roast Beef – DSLR camera

d. 3 Cheese Bacon Bacon and Spinach – trip for two to Boracay

e. BBQ Chicken – 20,000 worth of GCs from Araneta Center

Mag-blog lamang kung anong Tuscani pizza flavor ang iyong napili at kung paanong makapagdadagdag ng flavor sa iyong buhay ang napili mong gantimpala (the DSLR would definitely change my life). Ang promo ay hanggang December 8, 2011. Para sa iba pang detalye at kumpletong mechanics ay bisitahin lamang ang pizzahutflavoryourlife.tumblr.com

So what are your waiting for? Try the Tuscani Pizza, sabi nga ni Shamcey, every Filipino deserves one. Malay nyo kayo pa ang masuwerteng magwagi ng kanilang mga papremyo.

Salamat kay G. Jean Lander Agor, ang New Media Marketing Manager ng Pizza Hut para sa paanyaya, pati na rin sa Say Kawaii! Photo Booth. It was alottafan!πŸ™‚

Till my next rant, Peace and Stay Fresh dear readers.

7 thoughts on “A Flavorful Night at the Pizza Hut Tuscani Blogger’s Meet & Greet with Shamcey Supsup

  1. Pingback: Shamcey Supsup invited me to have pizza with her | www.edwinsoriano.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s