WWW…I H8 U: My Love-Hate Relationship with the World Wide Web


Akala ko pag nakabili ako ng laptop ay mapapadali na ang paggawa ko ng aking mga pangarap sa buhay: Ang pagsulat ng aking iskrip (think Inception meets Bondying meets Y Tu Mama Tambien, you’re intrigued right?) at mga article na matagal ko ng dapat na isinulat para sa aking trabaho (extra credits kumbaga).

hindi ako yan

hindi ako yan!

Pero hindi rin pala, dahil sa tuluyan na akong nagpadaig sa kapangyarihan ng World Wide Web. Isang malaking distraction to my actions.

Ganito yung usual scenario:

Hmm, wala pang pumapasok na ideya sa utak ko kaya mabuti pa siguro magbasa na lang muna ako ng mga balita, then I can go back to my writing project…It’s over for Blake Lively and Leonardo DiCaprio (don’t worry Blake, I am just here if you need a shoulder to cry on)…Azkals vow ‘to protect Rizal’ vs Nepal…RIP Ka Roger…tama na nga muna yan, let’s write something…

(me staring at the blank MS Word document)

Thinking, writing one sentence, bam, backspace, delete, back to an empty sheet. Maybe I need to check my Twitter and Facebook for ideas…whoa, si Anne Curtis nag-MRT na naman (bakit di ko siya makasabay kahit minsan lang, bakit?!?), annoying celebrity is having tilapia for lunch (and I should care because, wait bakit ko nga ba siya pina-follow, unfollow, problem solved), another celebrity flooding tweets—ignore—pls RT and win a box of donuts–pwede, RT and cross my fingers that I win some.

Sa FB naman tayo (while thinking about plot points and character development), X and Y are now friends, John Doe, Pontio Pilato and 5 other friends like your photo (Yey!), Weng Weng likes his status (walang basagan ng trip)…ok enuff of this frivolity.

Writing a few sentences, then stopping, tama na nga ‘to, Ctrl+S, ah, YouTube na lang para masaya…

Look for trailers, may related videos na lalabas, uy interesante, nood na rin ng episodes ng X-Factor, 90’s Pinoy TV shows, Sophia Grace Brown Lee sings Super Bass..voila, di ko na napansin na ilang oras na ang lumipas.

Gustuhin ko mang muling magsulat ay inaantok na ako kaya muling ipagpapabukas ang aking proyekto. Baka bukas mainspire na akong magsulat.

Yan ang madalas mangyari pag gusto kong magsulat, paunti-unti akong hinihigop ng kumunoy ng Internet hanggang di na ako makaalpas. Pasalamat nga kayo at nakapagsulat ako ngayon eh, partida pa yan mga parekoy.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh. Antok na me, tom na uli🙂

P.S.: How about you dear readers, whatchathink? Do you share the same predicament or are you just shaking your head?🙂

2 thoughts on “WWW…I H8 U: My Love-Hate Relationship with the World Wide Web

  1. Internet can be really sometimes a concentration killer! I would suggest you to go back to your traditional way of writing like the pen-and-paper scenario, you know you just right your drafts first on the paper and then when you’re done that’s the time to use the computer for encoding. I think that would be a better and effective approach for you😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s