Sabadabadoo


Nakakapagod ang araw na ito. Nasa opisina ako buong maghapon para sa praktis ng cheer dance ng aming team sa sportsfest at pakiramdam ko ay nabatak ang aking mga masel mula sa matagal na pagkakahimbing. Masakit pa rin ang aking kasukasuan at mga kalamnan. Wala akong hilig sa mga physical activity, (well I do like one physical activity, wink, wink) maliban sa araw-araw kong paglalakad pag pumapasok ng opisina at kung matatawag din na physical activity yung pagpindot ng remote control ng TV.

Matapos nga ang aming praktis ay napagpasyahan namin ng aking dabarkads sa opis na dumaan sa press tour ni Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez na ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta. Halos patapos na rin yung programa nung dumating kami at napanood na lang namin yung parte na sinabi ni Bob Arum na “I don’t know how you say it in your language but give yourselves a round of applause”. Sabay singit ng Pambansang Kamao ng “Maraming Salamat Po”, ewan ko kung nagpapasalamat lang siya kay Arum o yun ang translation niya ng “round of applause” dahil kung yung huli eh diba dapat ISANG BAGSAK ang sinabi niya.

pacquiao

Matapos ang mensahe ni Marquez at Honorable Rep. Pacman ay umalis na rin kami. Di na kami nakigulo pa sa sumunod na show ni Pacman na “Manny’s Many Prizes”. By the way may nakita rin pala kaming isa pang celebrity, pseudo-celebrity sigurong matatawag.

father tropa back

Kilala nyo ba siya? Guess who, ang makahula ng tama ay may libreng palakpak.🙂

father tropa front

Maliban sa aming instant celebrity encounter ay nabigyan din kami nito…cortal sqr

May lunas na ang aking body pain. Ayus!!! Till my next rant. Peace and Stay Fresh.

3 thoughts on “Sabadabadoo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s