Isang Paggunita sa Telebisyon noong Dekada Nobenta


90's

Hindi pa rin ako makapniwala na 21 years na pala mula ng magsimula ang dekada nobenta, at gaya ng iba pang 90’s kid ay madalas kong ginugunita ang paborito kong dekada. The years before texting, tweets and other technological thingimajigs invaded our lives. Kung maibabalik ko lang ang panahong yun ay gagawin ko. More than anything else I love the 90’s because it was the time when TV was at its finest, baduy man o jologs pero halos lahat ng programa noon ay kinagigiliwan ko. Siguro dahil bata pa ako at di pa ganun ka-advance ang taste ko sa pop culture pero ganun talaga eh.

Without further adieu here’s my personal list of 90’s TV faves and guilty pleasures. (Karamihan ay programa ng ABS-CBN, Kapamilya kasi ako eh)

1. X-Men – The Animated Series

Tuwing Biyernes ay wala ka ng makikitang batang naglalaro sa kalsada, lahat kasi ay nakaabang na sa panibagong adventure ni Professor X at ng mga X-Men. Ito yung panahon na ang programming block ng ABS-CBN pag Biyernes ay puro canned American TV shows. Bukambibig ng mga bata yung opening theme nito…tenenenen ten ten, tenenenen ten ten (tama ba yun?) Karamihan ay paborito si Wolverine pero mas gusto ko si Beast, sa kanya ko unang narining yung kasabihan na “A rose by any other name would smell as sweet” (Nerd alert). Mostly ay nagpokus ang palabas sa Phoenix Saga (comics geeks would know what I am saying). Hindi ko lang matandaan kung natapos ang airing nito.

2. Abangan Ang Susunod na Kabanata (Produced by Regal Productions 1991–1997)

Abangan Ang Susunod Na Kabanata (translated in English as Wait for the Next Chapter) is a political satire of the Philippine government. A situational comedy that depicts the lives of the common “tao” and their interactions with the “demi-gods” of politics. It shows us the funny side of the state of Philippine affairs while making us very aware of what is really happening to the country. – Wikipedia

Sinong makakalimot sa pagkagat ni Tessie Tomas a.k.a. Barbara Tengco sa kanyang kamay pag nai-stress siya sa kanyang asawang si Cong. Anding at sa spoiled brat nilang anak na si Dino. Isama mo pa dyan si Tita delos Santos, ang social climbing pal ni Barbara na walang balak tanggalin ang plastik na nakabalot sa kanyang sofa. Plus Roderick Paulate as Benny dela Croix (beautician ni  Barbara) and his wife Clara played by Carmi Martin. Marami pang kasali dito pero di ko na babanggitin due to space constraints (translation: tinatamad ang inyong lingkod)

3. Tatak Pilipino

Hosted by Jim Paredes and Gel Santos-Relos, ang programang ito ay tumalakay sa sining at kulturang Pinoy. Sayang nga lang at wala akong makitang YouTube video, ipapapanood ko pa naman sana kay James Soriano.🙂

4. Hoy Gising

Bago pa sumikat ang Imbestigador ni Mike Enriquez ay may pinagsusumbungan na ng problema ang mga kababayan nating ubos na ang pasensya sa mga tila natutulog nating mga opisyal ng pamahalaan. Ang Hoy Gising ay umere sa afternoon block ng Dos at dito nagsimula ang tandem nila Ted at Korina. Kasama din nila si Gel Santos-Relos at Kris Aquino. Ang tumatak sakin ay yung lingguhan nilang Honor at Horror Roll at siyempre ang galit sa mga smoke belcher na si Ilong Ranger.

5. Tropang Trumpo

Bago lumipat sina Ogie Alcasid at Michael V. sa GMA-7 upang simulan ang Bubble Gang ay nagsimula sila sa Tropang Trumpo. Pinauso nito yung Battle of the Brainless at yung Tiki-Tiki, Chicken at Caronia dance. Laugh trip to the max.

6. Ang mga klasik na anime ng ABS-CBN.

Peter Pan, The Dog of Flanders, Little Women, Munting Pangarap ni Romeo, Cedie, Princess Sarah, Akazukin Cha Cha, atbp. These programs make me feel like a kid again.

7. F.R.I.E.N.D.S

If there was a sitcom that defined the 90’s it would be Friends, watching the life and laughs of six twenty-something New Yorkers was the highlight of my week. I used to watch this on ABC 5 every Wednesday and this where I probably learned the language of the learned. Paborito ko si Phoebe Buffay, because she was the weird one but I can relate the most with David Schwimmer’s character Ross because he was the geekiest among the six. Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang opening theme nila na inawit ng The Rembrandts.

8. Ang TV

Hindi ka in noong 90’s kung di ka nanonood ng Ang TV. Dating 2:30 na naging 4:30 na Ang TV na…dito nagsimula sina Paolo Contis, Claudine Barreto, Angelica Panganiban, Jolina Magdangal (Payong kaibigan!!!) at marami pang ibang artista ng ABS-CBN. Yung iba may asawa at anak na, yung iba nasa ibang network na pero alam kong tulad ko ay di nila nakakalimutan ang Ang TV.

Madami pa akong paboritong palabas noong dekada nobenta pero sa mga susunod ko ng blog post ikukuwento. Baka naman sabihin nyo na wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi manood ng TV (By the way almost two months na pala akong walang TV sa bahay). Till my next rant. Peace and Stay Fresh whatever language you may speak.🙂

25 thoughts on “Isang Paggunita sa Telebisyon noong Dekada Nobenta

  1. Huwaw!!! I feel nostalgic! Pre-Internet era, when my source of entertainment was the boob tube (aside from Archie comics and the Sweet Valley series. Hahaha.) 90’s was my TV Era: favorites were: ANG TV, FRIENDS, ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA, X-FILES, SIMPSONS…Sigh…those were the days.😀

  2. Sobrang nakaka-relate ako! Paborito ko dyan ang Abangan ang Susunod na Kabanata. Bakit naman kasi puro teleserye na ang napapanood sa gabi? Maganda yung tulad ng dati, may variety.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s