Wika, Pagkatuto, Pagkakakilanlan, Tanging Karapatan


“I know all those words, but that sentence makes no sense to me.”
— Matt Groening

james soriano Malamang ay trending topic na ngayon ang artikulong ito ni James Soriano na lumabas sa Manila Bulletin nitong nagdaang Miyerkules.  Timing na timing pa naman at ngayon ay Buwan ng Wikang Pambansa or in her majesty’s tongue, the National language Month which is apparently not the language of the learned. Which begs the question, does it make everyone who cannot speak or write the Queen’s language dimwits or nimcopoops? Aba’y nang-aano ka Ginoong Soriano? Wait baka akusahan ako ng cyberbullying, let me just say this mga giliw na mambabasa, ang blog post na ito ay sagot lamang sa naging artikulo ni Ginoong Soriano, walang personal na atake ang inyong lingkod.

Ito ay produkto lamang ng aking limitadong bokabularyo sa Ingles man o Filipino. Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila…Oops mali, mabalik tayo sa ating pinaguusapan, if we read the whole artile ay mayroon namang positibong sinabi si James (first name basis, feeling close?), “Filipino was not merely a peculiar variety of language…it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols. But more significantly it was (dapat yata has) its own way of reading, writing and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another…” and that is something I would definitely agree with.

Ngunit nang sinabi mo na ang Filipino ay hindi lenggwahe ng mga pantas, nag-alimpuyo ang aking damdamin at gusto kong sumigaw ng WTF? What’s the Frickin Problem Mr. Soriano. Ang akin bang pagsasalita ng Filipino ay nagpapakita na ako ay haragan at di-sibilisado? Hindi ba ako magtatagumpay sa pandaigdigang kalakalan kung ito lamang ang alam kong bigkasin at isulat? Anong pribelehiyo ba ang di ko nakukuha kung di ko mabigkas ang mga highfalutin English words na gaya ng bucolic, effervescent, cacophony etc.?

Dati akong nagtrabaho sa call center at nag-aral ng kurso sa Pamamahayag noong kolehiyo kaya marunong naman akong mag-Ingles at masasabi ko naman na nakatulong ito sa aking pagaaral at pagtatrabaho. Ngunit iba pa rin ang ating sariling wika, gaya nga ng sinabi mo na may mga salitang di mo magagawang isalin sa wikang Ingles, maisalin man ay iba pa rin ang audience impact kumbaga. Ang Wow, I can read now? ay hindi pa rin katulad ng ABNKKBSNPLAko?! (Hi Bob Ong, You Rock!)🙂

Let me just say that Filipino is the language of the learned. It is used not just to interact with the manongs, tinderas and katulongs of the world (and there’s nothing wrong with being a tindera, manong or katulong).  Ang Filipino ay wika ng bansang Pilipinas, mahal ko ang aking wika at mahal ko ang aking bansa. Mayroon itong mga salitang hiniram mula sa Ingles, Kastila, Intsik atbp. Isang dinamiko at buhay na wika na dapat na palaganapin at isabuhay ng mga mamamayan.

Basahin nyo rin ang blog post ni Migs Bassig: Editing James Soriano

And now for something light on this Friday night, just watch this video:

Hanggang sa susunod kong blogpost, Kapayapaan at Panatilihin ang pagiging sariwa.🙂

P.S.: Again, this is just my rant,  Mr. Soriano is probably a good son, great friend and a well-disciplined citizen of our country and my post is just a reaction to what he wrote. Nothing personal peeps.

7 thoughts on “Wika, Pagkatuto, Pagkakakilanlan, Tanging Karapatan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s