O Father, Where Art Thou (A Post Father’s Day Post)


“I grew up without my father around… And even though my sister and I were lucky enough to have a wonderful mom and caring grandparents to raise us, I felt his absence; and I wondered what my life would have been like had he been a greater presence…”    – U.S. President Barack Obama

biking

Pagdating ko ng bahay ay saktong palabas ang “100 Days to Heaven” ng ABS-CBN at ang tampok nilang tema ay ang relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Base sa ilang eksena na nakita ko ay galit ang anak sa kanyang ama dahil sa pagiging pabaya nito. Aaminin kong may konting kurot sa puso ang kanilang episode. Oops, walang iyakan, hindi ako sanay sa ganyan, matagal ko na ring gustong isulat ito kaya mabuting gawin ko na ngayon para matapos na.

*****

Ganoon ang aking naramdaman sapagkat nakakarelate ako sa kanilang kuwento. Kailanman ay di ko pa nakita ang aking ama, ang aking ina naman ay nagtrabaho sa isang pabrika dito sa Kamaynilaan kung kaya’t ako ay naiwan sa pangangalaga ng isang tiyahin at sa loob ng limang taon ay nagkikita lamang kami ng aking ina tuwing Sabado at Linggo, pagtungtong ko na lamang ng ika-anim na baytang sa elementarya nakasama ko ng pangmatagalan ang aking ina.

Sa loob ng maraming taon ko sa pag-aaral ay sinasabi ko na lang na patay na ang aking ama, yun ay para di na magtanong ang aking mga kamagaral at guro kung bakit wala siya. Sa mga papeles ay DECEASED na lamang ang aking isinusulat. No questions asked, no complicated answers to invent.

*****

Ngunit mahirap ikubli ang katotohanan na buhay pa ang aking ama at sa naririnig ko pag nagkukuwentuhanang aking ina at mga kamag-anak namin ay nasa Bicol daw ito dahil yun ang probinsya ng kanyang asawa. May asawa si Tatay bago pa niya nakilala ang aking ina. Hindi ko alam kung alam na ito ni Mama nung sila ay magkakilala ng madestino si Tatay bilang hepe sa aming bayan sa Visayas. Alam man niya ito o hindi ay hindi ko pwedeng husgahan ang mga desisyon niya sa kanyang buhay, maaring mayroon siyang mga dahilan at kung anuman yun ay hahayaan ko na lamang ipaliwanag niya sa takdang panahon.

*****

Mahal ko ang aking ina, hindi ko man ito sinasabi at alam ko din naman na mahal niya ako bilang tanging anak niya at sabi nga niya minsan sa aking Ninang ay ang kaligayahan niya sa buhay. Ngunit iba pa rin ang mayroong amang gumgabay. May mga bagay na alam kong si Tatay lang ang maari kong pagkuwentuhan at magigig dyahe pag sinabi ko kay Mama.

*****

Sabi nila noon sa akin ay hanapin ko na lang daw ang aking ama paglaki ko at hamunin ko na lang ng suntukan. Napapailing na lang ako at napapangiti sa kanilang mga suhestiyon. Pulis kaya yun baka ako pa ang bugbugin nun, saka bakit ba ako ang maghahanap sa kanya, hindi nba puwede na ako ang hanapin niya? Hindi ba’t siya naman ang may pera? Ilang lang yan sa mga tanong ko noon na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

****

Sa tulong ng teknolohiya ay nahanap ko ng paunti-unti  ang mga impormasyon tungkol sa aking ama, una ay ang isang artikulo sa Philippine Star kung saan nabanggit  ang kanyang pangalan, at di katagalan ay nahanap ko ang kasalukuyan niyang kinaroroonan. Sa  umpisa ay nagdududa pa ako kung siya na nga yung nahanap ko (taong 2009 ng seryosohin ko ang aking pag-Google search). Ngunit iba na talaga ang aking naramdaman nung unang kita ko pa lang sa impormasyong iyon.

*****

Tinawagan ko ang numero ng ilang beses ngunit nung may sasagot na ay agad kong ibinababa dahil sa di ko rin talaga alam ang aking sasabihin. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag, hanggang sa i-text ko ang isang malapit na kaibigan at siya na lang muna ang pinatawag ko upang makumpirma kung siya na nga ang lintek kong ama (lintek is used as a term of endearment).

Nang matawagan niya ito ay agad niyang sinabi na tama nga ang aking sapantaha, siya na nga ang magulang na matagal ko ng hinahanap. Maliban doon ay sinabi din niya na halos magkaboses daw kami. The apple does not really fall far from the tree.

*****

Matapos ito ay sinubukan kong tumawag kinabukasan, nag-ipon pa ako ng lakas ng loob kahit alam kong wala naman akong atraso. Iba lang talaga ang pakiramdam, maybe I was just afraid to be rejected, anxious of what might happen. I finally had the courage to call and after speaking with a lady who I believe was his secretary, I got to speak to Darth Vader. Ironically, I did not have the courage to call him ‘Tatay”, all I could muster was to say “Kamusta po kayo?, how lame could it be. I was jobless at that time, and he asked me why I resign from my job. Napagalitan pa ako, hehehe. Hiningi niya yung address at contact number ko, sabi niya magkita daw kami pag nagpunta siya ng Maynila. Akala ko magiging ok na ang lahat. That’s what I thought…

*****

Four months passed and I did not hear  from him so I decided to send a letter to say what I forgot to say in our phone conversation. Still no reaction, one year passed and I called him again. Nangako siyang muli na magkikita kami, Agosto na lang daw at at sasamahan niya ang kanyang mga estudyante sa training nila sa Maynila. Dumating ang Agosto wala pa rin, kaya muli akong tumawag, 2nd week daw ng September. Hindi rin siya nagbigay ng celphone no. ng sinubukan kong hingin, nawala daw ang cellphone niya (Should I believe that alibi?) As usual umasa pa rin ako. Gaya ng dati wala pa ring dumating.

*****

Magiisang taon na mula nung huli ko siyang makausap. Umaasa pa rin ako na magkikita kami subalit tinatamad na akong tumawag sa kanya. Baka mangako na naman siya at di rin naman matupad. Wala akong galit na nararamdaman, gusto ko lang naman ay makausap siya at nang matapos na ang kabanatang ito ng aking buhay. Mabuti pa siguro kung sinabi na lang niya na ayaw niya akong makita at least my closure dun. As of now everything hangs in the balance, the chapter is unifinished. Hindi ko naman siya hihingan ng pera bagamat kailangan ko naman talaga ng konting ayuda para may pambili ako ng DSLR.🙂

*****

darth vader call me maybe

Paumanhin kung hindi ito ang nakasanayan ninyong blog post. I just want to get this out of my system. Till my next rant. Peace and Stay Fresh Pilipinas.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s