Lovafalowa


Isusulat ko dapat ito doon sa aking travel blog (naks, parang tunay na manlalakbay) ngunit napagisip-isip ko na mas masasabi ko ng mabuti ang aking naging karanasan sa wikang Filipino. Kung kayo ay dati ng mambabasa ng aking munting blog, marahil ay alam na ninyo na ilang buwan ang nakakaraan ay nagpunta ako ng Batanes kasama ang ilan pang mga blogger na napili ng SEAIR para sa kanilang Batanes Winter Blogger’s Tour.

falowa street art

Although I am not really a travel blogger,  I was just counting on the heavens na mapansin ng SEAIR ang aking simpleng pangarap na makapunta ng Batanes (susulat na nga lang sana ako sa Wish Ko Lang kaso wala naman akong malubhang sakit o di kaya ay kamag anak na pwedeng maka-reunite, meron pala, but that is another blog post).

Sa apat na araw namin sa Batanes ay marami akong nakitang magandang tanawin, may nakadaupang palad na mga baka at nakakain ng masarap na pagkain. Ngunit ang di ko makakalimutan ay ang pagsakay namin sa falowa (falowa o faluwa, whatever parang tomato lang yan) papuntang Sabtang Island.

falowa

Yan ang falowa, ang bangkang gamit ng mga Ivatan sa pagparoon at parito mula isla ng Batan patungong Sabtang. Nakakatuwang pagmasdan diba, well just imagine yourself in one of these while the humungous waves of the ocean are hitting the boat na parang lalamunin ng karagatan ang sinasakyan mo, parang galit lang si Poseidon.

The day began slowly, habang giniginaw pa kami ay dumiretso na kami ng maaga sa pantalan upang makaabot sa biyahe. Kasama ko nga pala sina Izah “Tripadora” Morales, Blessing Faith “Travelista” Manuel, Gay “Pinay Travel Junkie” Mitra-Emami, Michael “MILK” Lim (ang Executive Director ng Animation Council of the Philippines – woot woot, big time), Kompanyerong Journeying James at siyempre si Engr. Joseph Dy. Winarningan na ako ng kaopisina ko na magiging maalon ang biyahe kaya kahit papaano ay nakapaghanda na rin ako. Emphasis on KAHIT PAPAANO.

batanes wave

Ganyan ang mga alon sa karagatan sa paligid ng Batanes, imadyinin nyo na lang na ang ganyang tipo ng alon ang hahampas sa sinasakyan mo. Natiyempuhan pa na sa tapat ako ng makina napuwesto kaya habang nag-ala Anchors Aweigh ang falowa ay langhap ko  ko pa ang nakapabangong amoy ng gasolina. Poker face na lang ako para di halatang bumabaliktad yung sikmura ko, nakakahiya naman sa lolang turista na katabi ko na sobrang kalmado at tila kumakanta lang ng “Kumbaya”. Partida pa yan dahil walang sawa siyang kumukuha ng picture kahit puro alon lang naman yung nakukunan niya.

batanes falowa

Swerte ko na nga lang dahil dun ako sa kabilang parte ng falowa nakaupo at di ako naging wet look.  Pagbalik namin galing Sabtang ay mas naenjoy ko ang biyahe, feeling lang namin ni James at Gay ay nasa Enchanted Kingdom kami at tsubibo lang ang falowa. Habang sumisigaw kami ay kumakain pa kami ng Rin Bee. Everything was going well until na-realize ni Journeying James na wala pala siyang suot na life vest. Namutla si kompanyero at tila nakakita ng multo, na pinagtawanan lang ni Gay (Disclaimer: Na ginaya ko lang).

Parang ganito nga yung reaksyon ni kompanyero:

kompanyero

Sayang nga lang dahil wala kaming hawak na kamera nung mga oras na yun, priceless, just priceless. Hanggang ngayon ay nasa aking gunita pa rin ang eksenang yun.

Sana ay makabalik kami sa Batanes, dahil kahit gaano man kaalon yung pagsakay sa falowa, itwasalottafan, right kompanyero?🙂

gay falowa

Muli salamat sa SEAIR for making our trip possible, Director Bless Diwa and the staff of Department of Tourism Region 2, the very accomodating Tita Lydia Roberto (Tita, feeling close?) of Batanes Seaside Lodge and Restaurant and Hiro’s Cafe, Mr. Roldan Esdicul, Provincial Tourism Officer of the Province of Batanes, Ms. Dely Millan of  Shanedel’s Inn & Café (for the Wi-Fi and videoke), Nanay Tiding, daughter of Lolo Marcelo Hostallero for the buco juice in Chavayan (yun daw nagpahaba ng buhay ni Lolo), Mang Pinding Elesterio, our caterer in Sabtang and Batanes Gov. Vicente Gato.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh. Pilipinas tara na!🙂

2 thoughts on “Lovafalowa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s