Tuition Kunsumisyon


Ang pagpasok sa paaralan ay isang karapatan at hindi pribilehiyo, ito ang madalas natin marinig sa tuwing pinaguusapan ang kalagayan ng edukasyon sa ating mahal na bansang Pilipinas. Ngunit dahil sa dami ng gastos na kaakibat ng pagaaral ni Totoy at Nene, lalo na kung sa exclusive school sila pinagaral ni Mommy at Daddy, ang karapatang ito ay hindi lubos na napapakinabangan ng lahat ng mamamayan.

Ngayon na magpapasukan na naman at susugod ang milyong magaaral sa mga paaralan ay uso na naman ang congressional hearings na tatalakay sa paulit ulit na problema ng tuition fee sa mga unibersidad at kolehiyo. Seasonal na pagtalakay na pagkatapos ng pasukan ay makakalimutan na ng mga honorable legislators of the land at sa susunod na pasukan ay may pagkakataon na naman silang mag-grandstanding para ipakita ang kanilang malasakit kuno sa mga magaaral at kanilang mga magulang.

Mabalik tayo sa tuition fee increase, ang istilo daw ngayon ng mga kolehiyo ay ilagay sa miscellaneous fees ang mga dagdag na bayarin. Mas madali nga naman dahil di na kailangan ng consultation sa mga magulang. At kahit ano pang fee na ilagay nila ay babayaran na lang ng kawawang magaaral para iwas hassle. Narito ang ilan sa kanilang halimbawa (please confirm if these are for real):

  • St. Scholastica’s College – Thesis proposal fee : Php 1,200.00, Thesis editing fee: Php 900.00, Resumé Printing fee: Php 245.00
  • Letran College – Pistang Pinoy Fee (kailan ba piyesta sa Letran? Makapunta nga 🙂

Ang Pebbles and Stones Fee naman ng Siliman University ay naipaliwanag na bayad sa kanilang official publication at hindi sa pagbili ng mga mumunting bato para sa landscaping ng unibersidad.  Nabanggit din ang mahal kong alma mater na Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas dahil sa “Memorabilia Fee”,  na sa aking palagay ay para lang sa mga mag-aaral na magtatapos dahil di mo naman kailangan ng memorabilia kung freshman ka pa lang.

registration form

Ang nasa itaas ay ang registration form ko noong huling semestre ko sa kolehiyo. Medyo pasaway ako kaya may mga naiwan pang ilang units kaya di ako nakapagtapos kasabay ng aking mga kamagaral. Pansinin na hiwalay ang Athletic Fee sa Sports Development Fee, hindi ako athletic at wala akong alam sa sports development kaya hindi ko maipapaliwanag ang dahilan kung bakit magkahiwalay na bayarin ang mga ito. Mabuti na lang at mababa lang ang matrikula sa PUP kumpara sa ibang paaralan kaya di ko na rin pinansin ang miscellaneous fee na ito.

“We have to impose miscellaneous fees so that we will be able to survive. Otherwise the quality of education will certainly go down,” ani Philippine Association of Colleges and Universities (PACU) legal counsel Antonio Abad.

Oo nga naman, bababa ang quality of education pag nawala ang aircon fee, pistang pinoy fee at kung anu-ano pang hinayupak na fee. Hay buhay, ang hirap maging student of the 21st century, hingan na lang natin yung nanalo ng Php365,ooo,ooo sa 6/55 Grand Lotto.

Till my next rant. Peace and Stay Fresh peeps. 🙂

Advertisement

One thought on “Tuition Kunsumisyon

  1. jennylyn ay nagsasabing:

    langyang fee na yan oh. Hayskul palang ako pero university school ang pinapasukan ko. ayun, ang daming fees. may athletic fee. eh di naman ako atleta. may cultural fee. para san ba un? may publication fee. di ko nga alam yan eh! at marame pang iba na halos di ko naman napapakinabangan.ayy nako. kelan kaya magbabago ang sistemang yan? >.<

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.