RIP Friendster (2002-2011)


friendster smileyLast week, Friendster sent an e-mail to its users advising them to export their profiles, photos, and blogs by May 31 or these will all be history. All these will be erased to give way to the new Friendster which will be launched in a couple of weeks...

Taong 2003 ng magkaroon ako ng account sa noo’y popular na social networking site na Friendster, it was the best site EVER — exaggerated pero naging daan ito para makita ko kahit sa cyberspace ang ilan sa aking mga kaibigan. Mga dating kamagaral, katrabaho at kahit ang ilang celebrity (totoo man o hindi ang kanilang account).

Sa paglipas ng mga taon ay napag-iwanan na ito ng ibang social networking site – partikular na ang Facebook at Twitter. Hindi na rin ako naging ganu ka-aktibo sa paglog-in at pag-update ng aking profile dahil mas ok ang mag-FB. Nawala ang kewl factor ng Friendster, it became jologs to check your Friendster account you know.

friendster

At ngayon ngang May 31, 2011 ay tuluyan ng magpapaalam ang Friendster na ating nakagisnan, magbabagong anyo daw ito at magiging website na nakatuon sa games at music.  Aaminin ko na kahit mas gusto ko ang interface at set-up ng Facebook ay mami-miss ko ang Friendster. Nung wala pa ang FB, YouTube at Twitter ay ito lang ang website na naging koneksyon ko sa malawak na cyberspace. Kung sa FB ay may Like, Share at Poke, ang pinakatumatak na feature ng Friendster para sa akin ay ang testimonials. Cheesy man ito pero dito ay nasasabi natin sa ating mga kaibigan kung ano ang tingin natin sa kanila (press release man o pawang katotohanan), it was pure indulgence but it was welcomed by the one making the testimonial and the friend on the receiving end.

In the age Facebook, Friendster will always be that old friend na di man natin madalas makita o makausap ay mayroon pa ring puwang sa ating puso’t isipan. It was nice to know you Friendster, and for the millions of Filipinos (who I believe were and still are the most active Friendster users despite the Zuckerberg invasion) who have kept in touch with their friends and relatives through your site, we just want to say Thank you and see you when we see you (after we check  our Facebook comments and likes)

Till my next rant. Peace and Stay Fresh despite the summer heat.

Advertisement

5 thoughts on “RIP Friendster (2002-2011)

  1. erhu ianyce ay nagsasabing:

    .,its been a while since visit ko sa friendster account ko kasi halos lahat ng frens ko naun eh sa Fb ang puntahan kea mejo nakakalimutan na yun Fs pero minsan binisita ko din kahit papano…pero nakakapanghinayang kasi dun ako 2nd na nagsign in sa lahat ng sites dtio sa net…..

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.