Pangit na mayaman o maganda na mahirap?


Kagabi ay napanood ko sa kaunaunahang pagkakataon ang bagong talk show ng AksyonTV (ch. 41) na “Tayuan Mo at Panindigan”, host ng programa sina Direk Joey Reyes, Lourd de Veyra, Atty. Aida Sy at Carlos Celdran. Nanonood ako ng Top Chef ngunit nakuha nito ang atensyon ko dahil sa paksang kanilang tinalakay, ang tanong na “Ano ang pipiliin mong kapareha sa buhay, pangit na mayaman o maganda/guapong mahirap?

bilibitornat

Ang tanong ay hinango mula sa sarbey na ginawa ng Social Weather Station noong nakaraang taon kung saan 1, 200 ang naging respondent at hindi ko alam kung ito nga ay tunay na repleksyon ng kasalukuyang pananaw ng mga Pinoy. Sa nasabing survey ay lumabas na 51% ng mga tinanong ay pipiliin ang pangit na mayaman, 46% ang mas gusto ang may hitsurang nagdarahop sa buhay at 2% ang di sumagot ng katanungan.

Kung hihimayin pa ang resulta ng nasabing sarbey, 57% ng kababaihan ang pumili sa mayaman ngunit may mukhang nanay lang nila ang magmamahal samantalang 41% lang ang pumili ng mala-Brad Pitt ngunit nasa poverty line. Ikumpara natin ito sa resulta ng sarbey sa kalalakihan at mapapansin natin na mas biswal ang pamantayan ng aking mga kumpare, 52% ang pipiliin ang kagaya ni Megan Fox na nasasadlak sa kahirapan at 46% ang pumili ng literal na filthy rich gal.

SWS Survey Pie Chart

Kung titingnan natin ang resulta ng nasabing sarbey, iisipin mo na mukhang pera nga ba ang mga Pinay o nagiging praktikal lamang si Inday (di ko sure kung lahat sila ay binabasa na ang Marry an Ugly Millionaire) samantalang mas nakatutok (no pun intended) si Dodong sa panlabas na kaanyuan ng kanyang makakasama sa buhay. Wala na nga ba ang romance sa madlang pipol at pinapaikot na lamang tayo ng ating pangangailangan sa buhay o ng kung anong hitsura ng ating kapareha.

Mahirap magbigay ng konklusyon dahil sa nakapokus ang katanungan sa hitsura at kakayanan sa buhay. Wala ditong sinabi kung matalino, may sira sa utak o pamilya ng serial killer ang ating magiging lifetime partner. Kung tinanong siguro ang mga respondent kung  gusto mo nila ng pangit na mayaman pero may pagka-krung krung ay malamang iba ang kanilang isasagot.

Kung ako ang tatanungin, pipiliin ko siguro yung maganda na mahirap (assuming na ako ay pipiliin, hindi ako mayaman at sa looks department ay mukha naman akong tao, i think, kayo na ang humusga). Mahirap kasing gumising na ang makikita mo ay isang di kaaya-ayang tanawin. Maikukumpara mo ito sa pagtingin sa Taj Mahal ngunit may malaking vandal sa harap nito. What an eyesore, baka maisip kong matulog muli. Atsaka pwede naman kitain ang pera, basta ba masipag siya at maganda at hindi tutunganga buong araw ay okay na sa akin yun.

Yeah, I know, pwede naman magparetoke ng mukha pero di ko yata kayang isipin na maaring makita kong muli ang hideous facade of humanity sa aking magiging anak. I just want my kid to have a normal childhood that’s all. That is something that I cannot live with.

Bago kayo maghurumentado at batuhin ako ng bugok na itlog at bulok na kamatis, sinasagot ko lamang ang nasabing sarbey. Hindi ito ang kabuuan ng aking paniniwala sa buhay ngunit isang bahagi lamang. Kaya kung tatanungin nyo ako kung mag-aasawa ako ng mukhang suso na dinaganan ng pison tapos ay iwinasiwas ng 50 beses sa Great Wall of China malamang ay alam nyo na ang isasagot ko. Money is not the end all, be all of my existence. Your cash is good but it would be better if you like Natalie Portman. Wapaak!

Till my next rant. Peace and Stay Fresh pipol.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s