Ang Natutunan ko sa My Amnesia Girl


my amnesia girl poster

“Sabi sa census, mahigit 11 million ang tao sa Metro Manila.

Sa dami ng taong yun…paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa ’yo?

Paano kung nakasalubong mo na sya? Kaya lang hindi mo pinansin.

Dumaan na pala sa harap mo, yumuko ka para magsintas ng sapatos mo.

Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tingnan yung traffic light.

Baka andun na sya…pero may humarang lang na pedicab.

Sa dinami-dami ng tao…May mga masusuwerteng nakahanap na.

May ibang naghahanap pa. Yung iba sumuko na, pero ang pinakamasaklap eh yung  na sa’yo na pero pinakawalan mo pa.

Pero paano nga kaya ano…kung isang beses lang dumarating yung para sa ‘yo?

Palalampasin mo pa?  Kahit nasa harapan mo na?”

Till my next rant. Peace🙂

8 thoughts on “Ang Natutunan ko sa My Amnesia Girl

  1. hi. gusto ko ‘yong “Baka andun na sya… pero may humarang lang na pedicab.”

    pasaway rin nga minsan yang pedicabs na ‘yan. di man lang naiisip na kinabukasan ng lablyp ng iba ang nahahadlangan nila, he, he…

    hula ko, dinibdib mo nang matagal ang pelikula, hi, hi…:)

    nakiki-opinyon lang po ang isang napadaan… :]

  2. taray naman nun! eh kaso, kung seseryusuhin mo naman yung paghihintay ng ganyan. maaabala ka naman ng bonggga at baka maaskidente kung hintay ka lang hintay. hehehe!

    lintek hindi ko ito napanood sa sinehan. huhuhu!

  3. ako nakita ko na yung akin at di ko na papakawalan.. hehe..
    Oo, mapaglaro talaga minsan ang tadhana e.. Yung iba madali nilang nakikita, samantalang yung iba trial and error pa.. Pero kung trial and error talaga ang kailangan mong gawin para mahanap siya, wala ka ng magagawa kundi sumugal dun. Nakatabi mo na nga, napadaan na sayo, pero wala ka namang clue na siya pala yung para sayo. Ganun talaga maglaro ang tadhana. Isipin mo na lang na may tyansa ka pa.. Kasi, mayroon nilalang na tao sa mundo na hindi binigyan ni tadhana ng makakapareha. Yung iba naman binigyan nga ni tadhana, pero papatayin din naman niya agad. Loko rin yan si tadhana e. Minsan hindi lang isa ang binibigay na kapareha kundi 2 o higit pa.

    Ang naaalala ko lang, ang mabuting asawa nahihiling sa taas. Syempre, hihingi ka na nga lang ng makakasama habang buhay, yung hindi pa ba mabuti ang hihilingin mo?

    Paano nga ba malalaman kung siya na?
    Sugal yan. Kung swerte ka siya na agad. Kung di ka naman gaanong swerte, hindi siya ang makukuha mo agad. Pero pwede mo naman na siyang tanggapin, consolation prize ika nga. At kung kakausapin mo at hihilingin kay tadhana na sana si consolation prize na ang gawin niyang grand prize mo at napapayag mo siya, swerte mo. Sino bang nagsabing bawal burahin ang nakasulat sa aklat ni tadhana?

  4. Pingback: TOP Wordpress Blog Post as of January 20, 2011 « Unwritten Thoughts

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s