
Rizal Park Facing Quirino Grandstand in Manilla, Philippines (photo by Gabo Halili)
Literal na “a walk in the park” ang ginagawa ko sa nakalipas na isang taon, dahil nga sa ako ay nagtatrabaho sa isang opisina dito sa Intramuros ay araw-araw akong napapadaan sa Rizal Park na mas kilala natin bilang Luneta. Not that I am complaining, I actually love going to the park on a daily basis. I get to breath some fresh air, do some muni-muni and observe what other people are doing early in the morning, oops churi, I am beginning to sound coño again..
Nakakatuwa nga na ngayong Disyembre ay napansin kong dumarami ang namamasyal sa parke. Sa panahon ngayon na pag sinabing pamamasyal ay malling agad ang naiisip ng karamihan ay may mga pamilya pa rin na pinipiling pumunta sa Rizal Park. Mabuti rin naman na ang mga bata ay nalalantad sa ganitong recreational activity at di puro komersyalismo ang kanilang natutunan.
Kailan lang ay binuksan sa publiko ang bagong bihis na Children’s Playground (yung may higanteng pagong at sapatos, you know what I am saying if you’ve been there when you were a kid) at pinasinayaan naman ang dancing fountain noong nakaraang linggo. Sayang nga lang at nasa opisina ako at di ko napanood ang pagsasayaw nina Koko Kwikwak…wahhh! (more on the Children’s Playground in a future post).
Seriously, maraming pwedeng gawin sa parke na siguradong magpapasaya sa bawat isa, mapabata man o matanda. Kung hanap ninyo ay bonding time na di gaanong magastos then I definitely recommend spending time there. So if you have the time but do not have the money, then parking is great for you. When I say parking I mean going to the park (corny).
Till my next rant. Peace and always have fun!