Rainy day nostalgia


raindrops on banana leaf

by G8w via Wiki Commons

Talking to myself and feeling old

Sometimes I’d like to quit

Nothing ever seems to fit

Hangin around, nothing to do but frown

Rainy days and mondays always get me down

Ang pagbuhos ng malakas na ulan ay nagpapaalala sa akin ng mga bagay na wala na sa kasalukuyan pero madalas na hinahanap-hanap ko at ninanais na sana ay andito pa rin. There is nothing romantic about my thoughts, these are just things that I remember from my younger days (although I am not yet that old) that I wish are still around (or meron pa din siguro pero di ko lang alam kung saan matatagpuan). Cliche it may be but without further adieu, here’s my list:

1. Binggo Convenience Store:  The 24-hour convenience store with that yellow logo was my after-school hang-out back in high school. Sila lang yung nagbebenta ng hotdog sandwich na may cheese for 13 bucks, imagine that 13 pesos, well that was like 13 years ago (there goes my age). Try beating that 7-11. Sadly the chain was bought by the aforementioned and Binggo disappeared from our consciousness.

2. Lucky Me Pancit Canton Adobo – I dunno kung ako lang ang bumibili nito dati dahil bigla na lang itong na-phase out sa merkado. This was my ultimate pang-ulam pag walang maiulam sa sa bahay. May adobo ka na, may pancit canton ka pa. Lekat na Nissin at di na uli gumawa nito.

3.  Coney Island at Presto Ice Cream – the underrated ice cream brands. Peyborit ko dati yung bubble gum flavored ice cream ng Coney Island at yung sundae ng Presto. Isama mo na rin pala yung Magnolia Funwich Ice cream (biscuit na may ice cream filling). Sarap!

4. Magandang Gabi Bayan Undas Special – Annual na ritwal na sa bahay ang manood ng All Saints Day episode ng MGB. Nasa isang haunted na lugar si Kabayan Noli De Castro at may dalang mga kuwento ng kababalaghan; mga babaeng sinasapian, duwende at maligno, white lady na parang may frequent flier miles at rumarampa sa iba’t-ibang lugar at marami pang ibang kuwentong di kayang ipaliwanag ng siyensya. How I wish na ibalik ng Kapamilya Network ang programang ito.

5. Last but not the least, hindi ito bagay pero isang aktibidad na pwede pa din naman gawin ngayon pero iba pa rin talga nung bata ka — ang pagligo sa ulan (kaya nga nostalgia on a rainy day diba). Basta umulan lang ng malakas dati ay nagkakandarapa na kami para magpakabasa sa malakas nitong buhos. Ewan ko kung bakit pero kakaiba ang pakiramdam na hatid nito. Childhood bliss ika nga, pag kill joy ang parents mo at di ka pinayagan maligo sa ulan ay isa ka sa mga batang nakatingin lang sa bintana at pinapanood ang mga gaya namin noon.  I can take a bath in the rain now but that would not be the same, plus our neighbors would think I am a weirdo or wala lang tubig sa amin kaya ako naliligo sa ulan.

Hay buhay, kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo mga dude, pare, tsong

Till my next rant. Peace and always stay fresh.🙂

2 thoughts on “Rainy day nostalgia

  1. MGB undas special–nakakarelate ako dyan..wala ata akong pinalampas nyan..yung tipong dalang dala ka na sa mga kwento tapos bigla pa kayong magkakatakutan..saya!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s