Ang una kong trabaho


Sa kasalukuyan ay kawani ako ng isang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa kultura at kaartehan, hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito subalit masasabi ko naman na ok sa olrayt naman ako…for now, hehehe. Bago ako napadpad dito ay nagtrabaho ako sa BPO industry, you know the call center, thank you calling how may i help you thingamajig.

factory workers

alva2634.blogspot.com

But before I answered calls of bored Americans, my first job was  in a plastic factory. You heard it right, ako ay naging trabahante ng isang pabrika ng plastik sa Lungsod Quezon. Yun ay bago ako nagkolehiyo at maikling panahon lang naman, mga anim na buwan bilang operator ng makina na gumagawa ng takip ng mga plastik na bote. Just imagine the heat; tumatagaktak ang pawis ko sa araw araw na pagpasok ko doon, it was frickin hot and I must admit that compared to what I am doing now and the jobs I held after that ay wala na siguro akong karapatang magreklamo diba?

The question on your mind is why did I do that? Well, we were still living  in the compound where my mother used to work so in exchange for the free board and lodging, I had no choice but to work in that factory. I was paid a measly sum of 80 pesos a day (seryoso), 10 pesos for every frickin hour of work, no SSS, Pag-Ibig or PhilHealth pero libre ang tubig, kuryente (TV to sawa) at LPG.

Kaya kung minsan na ako ay naiinis at nababagot sa aking trabaho ay iniisip ko na lang yung stint ko sa plastic factory (stint, sosyalerong trabahador) at nagpapasalamat na lang ako na mas maayos na ang aking trabaho.  It may not have been the best time of my life but it made me appreciate what I have now (Putek, di bagay sakin ang masyadong madrama). Till my next rant…Peace.🙂

15 thoughts on “Ang una kong trabaho

  1. wehehehe.. buti ka nga nakaka-80 pesos ka isang araw. nung bum ako, pinagtyatyagaan namin nila Mama yung kuripot na handicraft at ang bayad ay 5 centimos sa bawat piraso na aabutin ng 2 oras bago matapos.

    kaya tama, pasalamat ka sa trabaho mo ngayon🙂

  2. Anak ng tokwa… eighty pesos?
    Pasensya na at ngayun lang ako napadpad sa iyong blog, pero anong taon ang trabaho na ito… 1980’s? Hehehe yun lang naiisip ko na pwede pa ang mga pasahod na ganito. Sobrang below na rate yun ah. Kulang pa sa minimum sa standards ngayun. Oh well, ganun talaga kapag napagdaanan na ang hirap. I remember working as a service crew para matustusan ang pag aaral ko nung ikalawang taon ko sa kolehiyo. Looking at that now masasabi kong di ko na babalikan yun, although I have high respect sa industry na yun at sa mga nagtatrabaho dun. It is no walk in the park.

    • 1999 yun parekoy, ambaba noh? isang kumpanya na pagmamay-ari ng isang intsik na sobrang kuripot. walang nagsumbong sa DOLE dahil siguro sa libre ang tubig, gas at kuryente. mahirap talaga ang blue collar job, kaya saludo rin ako sa mga manggagawa na nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya. Salamat sa pagbisita Chris.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s