Stranded sa Skyway


Houston, we have a major, major problem…

Ayon sa Murphy’s Law, “Anything that can go wrong, will go wrong”. At yan nga ang nangyari sa akin kahapon. Alas singko ng hapon ng umalis ako ng opisina at swerte naman na makalipas ang ilang sandali kong paghihintay sa Pedro Gil ay nakasakay agad ako ng aircon bus papuntang Alabang. Walang masyadong trapik, di rin naman umuulan kaya akala ko ay magiging matiwasay ang biyahe at darating ako ng Alabang in no time.

Ideally yun ang dapat na nangyari, but wait there’s more, kakalagpas pa lang namin ng rampa ng Skyway sa may Buendia/Dela Rosa nang biglang huminto ang lintek na bus sa may Pasay Road/Arnaiz (isa pang bwiset yang mga kongresman na mahilig magpalit ng pangalan ng mga kalsada). Tila naghihingalong matanda ang bus at di na umandar pang muli. Lekat, naningil pa si Manong konduktor kahit nakahinto na ang bus sa Skyway, full tank ka Manong, di naman ako galit ah…nagpapaliwanag lang.🙂

Wala na nga kaming choice ng mga kapwa ko pasahero kundi bumaba ng bus at maghintay na may dumaang iba na magpapasakay sa amin. At makalipas nga ang isang dekada ay nakasakay din kami ng iba kong kapwa pasahero. At siyempre dahil dun na kami sa Skyway sumakay, standing room only sa bus na ordinary (aircon, nasaan ka kung kailangan kita?). Ok na sana eh, tanggap ko na, kaso katabi ko sa likod eh puro mga manang, no offense to manangs everywhere at yung mga magagandang kolehiyala ay dun pala sa harapan pumuwesto. Tsk, tsk, akala ko ba tadonggenius ka?

Ang ending nakarating ako ng bahay, bente minutos bago mag-alas otso.  Hay buhay, parang life!

Till my next rant. Peace and Good evening Las Vegas!

2 thoughts on “Stranded sa Skyway

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s