Kuwentong Quiapo


(Purely fictional)

Mapanghi, yan ang amoy na nalanghap niya sa pagdaan niya sa Quezon Bridge papunta ng Quiapo. Sa ilalim ng init ng araw at usok ng mga nagdaraang mga sasakyan ay binagtas niya ang tulay. Hindi alam kung saan pupunta, walang eksaktong destinasyon pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakarating siya ng kanto ng Hidalgo at QuezonBoulevard  ng may narinig siyang boses na tumatawag sa kanya, “Uy kumusta na? San ka pupunta?”

Nagmula ang boses sa nakahintong dyip at nakita niya ang babaeng pamilyar sa kanya, “Ok lang, dyan lang may bibilhin lang (kahit wala naman talaga), kaw kumusta ka na? Maganda ka pa rin ah!

“Bolero ka pa rin (sabay ngiti ng pagkatamis tamis, ngiting maghuhudyat ng diabetes), ok lang din naman, nurse na ako, akalain mo? “Mabuti naman, ano nga pala ang number mo, kape tayo…

Bago pa niya natapos ang sasabihin ay mabilis na humarurot ang dyip at naiwan siyang tinatanaw ito habang unti-unting nawawala sa kanyang paningin.

(Abangan ang susunod na kabanata)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s