gradeskul nostalgia


Nostalgia is like a grammar lesson:  you find the present tense, but the past perfect! ~ Owens Lee Pomeroy

Isang senyales daw na tumatanda ka na ay kung nag-aaya ng magreunion ang mga kaklase mo at mukha ngang totoo yan dahil ngayong 2010 ay may reunion kami ng mga kaklase ko sa grade school, high school at kolehiyo. Hinihintay ko na lang na mag-aya yung kaklase ko nung kinder at kompletos rekados na mga giliw na mambabasa.

grade two

I love grade skul, este elementary, hehehe, life was much simpler back then. Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan, nag-aantay ng recess para makabili ng pizza na may ketchup at kakarampot na ham lang naman ang topping o kaya ay isang tasang lugaw, samporado o sopas, depende sa kung ano ang naisipang iluto sa canteen.  Siyempre kailangang maubos ang dalang paninda ng mga kaklase kong na-assign na magdala nito sa classroom (ewan ko ba kung bakit, eh hindi naman mapapanis ang biskwit at tsitsirya).

Dahil sa public school ako nag-aral (mula kinder hanggang kolehiyo yun ah) ay kasama sa gawain namin ang maglinis ng silid aralan. Hate na hate ko ang araw na kasama ako sa na-assign na maglinis, bwiset, nasisira ang aking social life (Social life meaning mas maagang oras para maglaro at maglakwatsa, kasama na ang pagbili ng manggang hilaw na may bagoong, ice scramble, pagtaya sa palabunutan para manalo ng kinulayang ibon o laruan).

Habang nakikita ko kasi yung mga kasabay ko dapat umuwi ay naiiwan kami ng mga kasama ko para mag-floor wax at magbunot ng sahig. Swerte mo kung magwawalis ka lang at magbubura ng nakasulat sa black board pero kaming mga bugoy ang required na pakintabin ang sahig hanggang sa makita na ng aming mahal na guro ang repleksyon ng kanyang mukha dito.🙂

Maliban dun ay masaya naman ang aking grade skul memories (medyo iyakin lang akong bata dati kaya di masyadong halata). It’s nice to remember the past; talk about the good old days and rekindle friendship with the people who knew you before puberty came into play and thus started the tumultuous teenage years filled with angst and  emotional distress. (For some and this is in a general sense dear readers)🙂

How about you dear reader, what do you remember most about your grade school days?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s