Goodbye Wowowee, Hello Pilipinas Win na Win


Makalipas ang limang taon at sandamakmak na kotrobersyang dala ng main host nito ay magpapaalam na ang popular na noontime show ng Dos ABS-CBN na “Wowowee” ngayong Biyernes. Kapalit nito ang game/variety show na tatampukan nina Robin Padilla at Kris Aquino kasama ang mga dati nang nasa “Wowowee” na sina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

wowowee

Hindi maikakaila na ang pagiging host ni Willie Revillame ang isa sa dahilan ng mataas na rating ng “Wowowee” at ito rin ang naging dahilan upang tuluyang alisin ang programa at palitan ng Kapamilya network ng bagong programang wala ang maangas na si Papi (popular na tawag kay Revillame).

Napansin ko lang na halos katunog din ng Wowowee ang Pilipinas Win na Win, Wowowee?  Win na Win? Get it, get it? Hindi ko lang alam kung mapapantayan nito ang popularidad at rating ng naunang programa kaya abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

kelly misa

Natutuwa ako dahil wala na si Willie pero nalulungkot ako dahil wala na rin si Kelly Misa. That was the best three months of my noontime life.😦

Till my next rant. Peace.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s