Sa Libing Ko, Patugtugin Mo


Crying Ladies

Kagabi ay naghalungkat ako ng mga gamit ko at nabasa ko ang isa kong sinulat sa aking talaarawan noong kolehiyo. Proyekto namin iyon sa isang kurso sa pagsusulat at isang entry ang nakakuha ng aking pansin; “Songs for my funeral” ang titulo ng akda na isinulat ko noong Agosto 21, 2001 (saktong petsa ng pagpanaw ni Sen. Ninoy Aquino).

Hindi ko alam kung bakit iyon ang napili kong paksa, marahil dahil na rin sa petsa iyon ng kamatayan ng nasa itaas o sadyang morbid thoughts lamang ang nasa isipan ko. Karamihan sa atin ay ayaw pag-usapan ang kamatayan, masama daw dahil baka nga marinig ka ng universe at tuparin ang iyong sinabi at dalhin ka na lamang bigla sa kabilang buhay.

Pero kung ako ang tatanungin mas mabuting pinaguusapan din natin ito paminsan minsan. Tulad ng kaarawan, binyag at kasal, isa din itong mahalagang pangyayari na pinagkakagastusan at nararapat lamang na paghandaan. Ayaw mo naman sigurong salaulain na lamang ng mga taong maiiwan ang huling pagkakataon mong maging sentro ng atensyon ng madla diba.

Mabalik tayo sa kantang dapat patugtugin sa aking burol at libing, naisulat ko doon na gusto ko ang “Vincent” ni Don McLean.

Starry, starry night.
Paint your palette blue and grey,
Look out on a summer’s day,
With eyes that know the darkness in my soul.
Shadows on the hills,
Sketch the trees and the daffodils,
Catch the breeze and the winter chills,
In colors on the snowy linen land.

Hindi ko alam kung bakit, masyado lang siguro akong emo ng mga panahong iyon at napili ko ang kantang ito pero kung sakali mang dumating ang oras na sunduin na ako ni San Pedro o ng kalaban ng langit (hindi ko alam kung sino ang tatanggap sa makasalanan kong kaluluwa) ay isasama ko ito sa aking playlist. The melody is good and the song itself is lyrically beautiful (me ganun). Ang tanging hiling ko lang naman ay wag ng isama ang mga gasgas na kantang gaya ng “Hindi Kita Malilimutan” (no offense kay Basil o sa sumulat nito, maganda ang kanta subalit masyado na itong gamit ng iba).

libing

Heto pa ang ilan sa mga nasa sa aking future playlist (when i say future, sana not in the near future Bro).

I Can See Clearly Now – Jimmy Cliff

Beautiful Boy – John Lennon

Home – Daughtry

As I Lay Me Down – Sophie B. Hawkins

Beautiful Day – U2

Smoke Gets in Your Eyes – The Platters

Always look on the bright side of life – Monty Python

Cool Change – Little River Band

Up Where We Belong – Joe Cocker and Jennifer Warnes

Somewhere Over the Rainbow/What a Wonderful World – Israel Kamakawiwo’ole

Turn, Turn, Turn (To Everything there is a Season) – The Byrds

But wait there’s more…hehehe…ano nga ba ang magagawa kung ako ay nasa ibang dimensyon na, maari nilang patugtugin ang anumang kantang gusto nila. Baka nga “Di Ko Kayang Tanggapin” ni April Boy ang maisip nila (please lang wag naman sana) o di naman kaya ay ang “Cutie Cute Cute” ni Mahal at Mura (on second thought, mukhang masaya yun).

How about you constant reader? Tell me whatchathink.

Till my next rant. Peace.🙂

7 thoughts on “Sa Libing Ko, Patugtugin Mo

  1. hi. nagbabalik si Kk. hehe.😀

    i sooo love this post. siguro dahil naiisip ko na din dati kung paano ba ako mamamatay at kung aling kabaong ba ang gusto ko. haha.

    in fairness, cute nga yung Home, tsaka yung As I Lay Me Down.🙂

  2. aww hindi ko pa eto napag-isipan.. hehe, nice post by the way.. ako basta regarding death isa lang gusto ko i dont want people to be sad as much as they can, so sa buloy ko i want them to party! as a “thank you” for given a chance to know a person like me.. hehe trip trip lang yan di ba??😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s