Mikey trike driver na, sikyu pa…akalain mo


Mikey trike driver na, sikyu pa
(Pilipino Star Ngayon) Updated July 21, 2010 12:00 AM

 

 

MANILA, Philippines – Makakaupo na sa House of Representatives bilang kinatawan ng Ang Galing Pinoy (AGP) party-list si dating Pampanga Rep. Jose Miguel “Mikey” Arroyo, na anak ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito’y matapos ibasura ng Commission on Elections en banc ang petition for disqualification na inihain nina dating party-list rep. Liza Maza ng Gabriela at Bayan Muna reps. Satur Ocampo at Neri Colmenares laban kay Mikey.

Nakasaad sa Comelec resolution, na sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 7941 o ang Partylist System Act, na ang sinumang indibidwal ay maaaring kumatawan sa isang partylist group kung siya ay isang bona fide member ng organisasyon na nais niyang katawanin.

Sinabi pa sa resolusyon na hindi rin napatunayan ng mga petitioner ang alegasyon na wala pang 90 araw na miyembro ng Ang Galing Pinoy si Arroyo ng tumakbo ito bilang nominado ng naturang partylist na binubuo ng mga security guards, taxi at jeepney drivers.

Tiniyak naman ni Colmenares na iaapela nila sa Supreme Court ang disqualification case laban kay Mikey.

Si Mikey ay dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga, ngunit sa halip na tumakbo ng reelection, ay nagpasya itong maging party-list representative, upang bigyang-daan ang kandidatura ng kaniyang ina.
more

———————————————————————————————–

Buwiset, yun lang ang masasabi ko, marami pang ibang salita pero hindi yata akma na sabihin madlang pipol. Umagang umaga ay ito ang bubungad sa akin at sisirain pa yata ang araw ko. Nawala man sa palasyo ang pamilya Arroyo pero heto at nasa Kongreso silang lahat at wala yatang balak na maglaho sa bansang Pilipinas. So tell me, how you solve a problem like the Arroyos? I dunno, para na rin nating tinanong kung itlog ba ang nauna o ang manok.

Till my next rant. Peace.

2 thoughts on “Mikey trike driver na, sikyu pa…akalain mo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s