Pizza sa Eco Park


When you think of La Mesa Eco Park, what comes into mind? Trees, absolutely; outdoor activities, definitely; Pizza? Come again? Seriously?

il padrino pizza

Yeah, I know, of all places where we would be eating pizza, it has to be at the La Mesa Eco Park. Medyo gutom na ang tropa dahil sa pag-akyat sa 100++ steps (huwag nyo kong tanungin kung ilan ang eksaktong bilang dahil bobo ako sa math) para makita ang La Mesa Dam kaya naisip naming kumain at magpahinga sandali. Ako ay bumili ng kanin at pritong tilapia (can’t live without rice), ang isa ay bumili ng ginatang halo-halo at pansit bihon. At dahil busog pa daw ang mag-dyowa (i won’t name them but they know who they are🙂 ) napagpasyahan nilang bumili ng pizza. Which translates to “I’m so frickin tired of looking at all this greenery so why don’t we eat something Italian” (just a hunch).

il padrino

Ang pizza ay mula sa Il Padrino, isang coffee shop sa Fairview at meron din kiosk sa loob ng luntiang parke. The pizza, according to my friend is Pinoy Italian. Di ko alam kung bakit pero nang matikman ko ito ay nalasahan ko ang itlog na maalat, yun ba ang Italian?🙂

What’s good about the pizza? It’s not as oily as the others I have tried before. Hindi ka magkakaroon ng instant lip gloss upon biting into one at iisipin mo kung pizza ba o lechon ang iyong natikman. Aside from that ok rin ang lasa nito. Hindi nakakaumay at hindi rin naman yung lasang papel sa tabang (hindi ko sasabihin kung kumain na ako ng papel🙂 ).

The bad? I dunno kung may mali lang sa oven nila or kung steamer ba o oven yung gamit nung nagluto ng pizza pero medyo soggy lang ang crust nito ng kainin namin. But despite the crust malfunction eh naubos naman ang pizza (iba talaga pag gutom).

pizza time

Nakalimutan ko lang itanong kung magkano ang pizza but if you want to try it you can go to La Mesa Eco Park (ang kiosk nila ay sa malapit sa mga puno..hehehe) o maari din naman na pumunta ka sa kanilang outlet sa 71 B Mt. Sinai Heights, Commonwealth Ave. East Fairview Park, Quezon City (between Meadows Supermarket and Lydia’s Lechon).

Till my next rant. Peace.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s