Biyaheng Pilipinas : PNR, Sakay Na!


Nitong nakaraang Sabado ay napagkasunduan naming magkakaibigan noong kolehiyo  na pumunta ng La Mesa Eco Park (more on that in a future post) at upang mas makamura ay sinubukan kong sumakay ng PNR pa- Maynila or should I say the Poor Man’s MRT/LRT. Which is not that to say that it is inferior to the elevated train system na tumatahak ng EDSA at kahabaan ng Taft Avenue. In fact it is actually a great mode of transportation as compared to riding a bus papuntang Maynila at comparable naman ang biyahe sa mga huling nabanggit.

Mahigit isang taon na yata mula ng huli akong sumakay ng tren, noon ay hanggang Bicutan lamang ang biyahe nito at ngayon nga ay muling ibinalik ang biyahe hanggang Alabang. Wala pa rin yata ang biyahe papuntang San Pedro at Biñan kaya Alabang pa rin ang pinakahuling stop over nito sa Southern Metro Manila.

Sa apat na taon ko sa kolehiyo, ang PNR train ang aking sinasakyan sa pagpasok at paguwi sa aming bahay sa Muntinlupa. Bukod sa kombinyente dahil sa Sta. Mesa ako nag-aaral, higit itong mas mura kesa kung sasakay ako ng bus. Minsan nga lang ay mabubuhusan ka ng tubig (or some other liquid na may amoy na di kanais-nais) pero maliban dun eh it’s the best way to go to Manila kung ikaw ay nagtitipid.

Speaking of pagtitipid ang ibinayad ko sa biyaheng Alabang papuntang España ay tumataginting na P20.oo, yup,  di ito promo fare kundi regular na pamasahe mga friendly friends. Tingnan ang larawan sa ibaba para sa ebidensya.

train ticket

If you are asking kung maaalikabukan ang iyong mala-porselanang balat pag sumakay ka dito ang sagot ay HINDI. Ang karaniwang bumibiyahe ngayon ay ang mga bagong tren na may aircon at hindi ka na rin mangangambang mabubuhusan ka ng kung anumang likido o kung may may mambabato sayo dahil wala na rin ang mga home along da riles.

By the way here’s the daily train schedule if you wanna try the Pinoy Hogwarts Express (pasensya na kung parang vandal lang).

train sked

Till my next rant. Peace.🙂

PS.: Ang Alabang terminal ay sa likod na ng Star Mall.

4 thoughts on “Biyaheng Pilipinas : PNR, Sakay Na!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s