I ♥ Toy Story 3


toy story gang

Taong 1995 ng unang lumabas ang Toy Story sa mga sinehan at natatandaan ko na isa ito sa mga unang pelikulang napanuod ko ng mag-isa, yung Pagemaster ata ni Macaulay Culkin yung una. Katorse anyos ako noon at pakiramdam ko ay isa na akong ganap na binata dahil mag-isa akong nanuod ng pelikula sa sinehan. Isang pelikula tungkol sa isang bata at sa kanyang mga laruan.🙂 1999 naman ng lumabas ang sequel nito na Toy Story 2 (duh), this time eh isa na akong high school senior ngunit isip bata pa rin (hanggang ngayon ata).

toy story poster

Kaya nga ng nabalitaan ko na meron itong part 3 ay inabangan ko na ang muling paglabas sa sinehan ng mga sikretong buhay ng mga laruan ni Andy. Finally ay napanuod ko nga ito noong Linggo at masasabi kong di ako nadismaya na muling makita si (roll call) Woody, Buzz, Jessie, Slinky, Rex, Mr. & Ms. Potato Head, Hamm, Bullseye atbp. Kasama pa dyan ang mga bagong karakter na sina Buttercup, Trixie, Lots-O, Chuckles atbp.

Bagamat tinalakay nito ang ilang adult themes gaya ng abandonment at letting go ay masasabi kong maiibigan pa rin ito ng mga bata at feeling bata. A bit dark and emotional as compared sa mga naunang pelikula subalit puno pa rin ng katatawanan at mensahe ng pagkakaibigan at pagtutulungan. Kaya kung di mo pa ito napapanuod, I suggest you watch it as soon as possible.

andywoodybuzz

You’ve got troubles, well I’ve got ’em too
There isn’t anything I wouldn’t do for you
We stick together and we see it through
You’ve got a friend in me
You’ve got a friend in me

Till my next rant. Peace.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s