It’s the Met, Damn it!


Interior of the Metropolitan Theater

Ang Metropolitan Theater o Met ay isang tanghalan sa Padre Burgos St.  Manila, malapit sa Mehan Garden at City College of Manila at unang bubungad sa iyo pagbaba mo ng Quezon Bridge kung ikaw ay galing ng Quiapo. At ayon sa Wikipedia: Manila Metropolitan Theater– located at the Padre Burgos Street – was formerly Manila‘s premier venue for theatrical performances. Built in 1935, this art deco structure was designed by the distinguished Filipino architect Juan M. de Guzman Arellano. The bronze sculptures of female figures on the facade of the theater are works by the Italian sculptor Francesco Riccardo Monti. Inside, there are relief carvings of Philippine plants that adorns the lobby walls and interior surfaces of the building designed by the artist Isabelo Tampinco. It needed to be reconstructed after the US and Filipino liberation in Manila in 1945, fell into disuse in the 1960s, was partly restored in the following decade, and fell again into disrepair. It is currently undergoing renovation through Manila City government’s project to restore its historical buildings.

Ang tanging naaalala ko sa gusaling ito ay dito tinatanghal ang dating programa ni Vilma Santos sa GMA-7. Yup, napapanood ko iyon dati dahil wala akong choice dahil yun ang trip panuorin sa bahay namin nung ako ay batang paslit. Kaya linggo linggo ay nasisilayan ko ang lingguhang pagsasayaw ni Ate Vi kasama ang VIP Dancers pati na ang kanyang walang kamatayang pagbati ng “I Love You Lucky”. Going back to the Met, ito ay kasalukuyang  nire-restore upang maibalik sa dati nitong anyo at upang maging lugar na maaaring pagtanghalan ng mga konsyerto, programang pantelebisyon at mga produksyon sa teatro. At bilang tulong nga ng aming photography club (na wala pa ring pangalan as of press time) ay nagtungo kami sa Metropolitan Theater upang magsagawa ng rectified photography. : Alam nyo ba ang rectified photography ay isang paraan ng pagkuha ng larawan ng isang gusali na ginangamit kapalit ng line survey upang maisama ang lahat ng detalye, gaya ng maliliit na pagbabago sa mga materyales na ginamit at sa pamamgitan ng Auto CAD ay ginagawang mosaic ang mga nakuhang larawan ng gusali. Sana nga ay maibalik ang Met sa dati nitong ganda. Marami ng makasaysayang gusali ang giniba sa Maynila (Jai-Alai Building etc.) at huwag na sanang dumagdag pa ang Met sa mga ito. Click here for more photos. Till my next rant. Peace.🙂

2 thoughts on “It’s the Met, Damn it!

  1. Sa totoo lang matagal na nga iyang restoration na iyan diba? Sayang naman kasi at napaka unique ng features at talaga namang mapapasecond look ka sa kulay pa lang. Actually isa yan sa mga napagaralan namin nuong college tungkol sa Philippine architecture. Hopefully kapag natapos sana maibahagi mo samin ang mga photos para naman alam din namin na malalayo sa manila.

    ingat. salamat sa BR mo. Nilagay din kita sa aking links.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s