Tsinelas For Every Juan


tsinelas

Madalas ay pinuproblema natin ang mga bagay na akala natin ay katapusan na ng mundo pag di natin makuha o kung sakaling mawalan tayo.  Mga bagay na gaya ng load sa cellphone, bagong techie gadget at iba pang produkto ng materyalismo dito sa daigdig. Pero ang di natin alam may mga taong ang nais lang ay simpleng bagay na madalas ay di rin natin napapansin at nakikita ang kahalagahan sa ating buhay.  Tulad na lang ng tsinelas, sa panahon na ito na tila makabago na ang lahat, may robot na nag-kakasal sa Japan, megapixels na ang labanan sa camera at may PCOS machine na ang eleksyon sa Pinas, may mga lugar pa dito sa ating bansa na ultimo tsinelas ay di makayang bilhin ng ating mga kababayan.

Ito nga ang paksa ng episode ng I-Witness kagabi (na napanuod ko kaninang madaling araw) sa pag-uulat ni Sandra Aguinaldo. At kung sakaling nakaligtaan nyo itong panuorin ay heto ang video mula sa YouTube.

Kung di man Havaianas ang tsinelas mo ay wag kang malungkot, may mga kababayan tayo na kahit Spartan nga o Rambo ay wala sila. For some people slippers; oh sorry flip flops, i stand corrected, are a fashion statement but for others it is a basic necessity that would pave the way to progress and and a better life.

Till my next rant.  Peace.🙂

2 thoughts on “Tsinelas For Every Juan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s