Amorres Perros Part 2


doggie howser

Another sad dog story.

Kahapon ay nakita ko ang kawawang aso ng isa naming kapitbahay (iba pa ito dun sa nagdesisyong ipampulutan ng mga sekyu ng subdibisyon yung aso niya dahil sa pagsira nito sa kanyang mahal na mga halaman.) Mukhang malungkot yung aso at nagtatago lang sa ilalim ng kanilang Volkswagen. Sabi ng nanay ko eh di nga daw ito pinapakain ng may-ari at kahit tubig ay di nila ito binibigyan.

The back story:

Ang asong yun, by the way his name is Jumong, ay alaga ng kanilang dating  kasambahay na kanilang pinag-aral ng kursong edukasyon at sa kasalukuyan ay nakatira na sa kalapit na subdibisyon. Sabi ng nanay ko ay gusto daw itong isama nung nag-aalaga subalit ayaw ni Kuya dahil wala daw magbabantay sa kanilang humble abode.

By now I hope you know where I am getting at. Big Brother does not want to let go of the dog for security reasons but he does not want to feed the poor canine. What planet is he from? Probably from a galaxy far, far away where logic and compassion is not part of their psyche and vocabulary. Hindi naman nanghihingi ng wage increase, clothing allowance, health insurance at annual company outing yung aso eh, pagkain lang, pagkain, mahirap bang ibigay yun ha?

Buti na lang at may ginintuang puso ang nanay ko at binibigyan nya ng tubig at pagkain ang kawawang si Jumong. Pero paano pag umuwi siya ng probinsya ngayong darating na Hulyo, isang buwang di makakakain yung aso. Yun eh kung mabubuhay yun ng isang buwang walang kinakain. Hay buhay, bakit nga ba may mga nagpapanggap na animal lover pero wala namang ka-amor amor sa kanilang alagang hayop. Kasama na dyan yung mga taong nag-aalaga ng tuta dahil sobrang cute pero pag lumaki na ito, puno na ng galis at di na kamukha ni Justin Bieber ay kinakalimutan na sa isang sulok.

Till my next rant. Peace.😦

(Disclaimer: Ang nasa larawan ay hindi ang asong tinutukoy ko sa blog na ito.)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s