Manong Bayad Po, Pakiabot Lang


dyip

Pauwi ako kahapon galing ng SM Hypermarket ng mangyari na naman ang isa sa aking mga pet peeve, mga kapwa pasahero sa dyip na ayaw mag-abot ng bayad. Ito yung mga pasaherong dinadapuan ng temporary deafness at neck paralysis pag may bagong sakay na mag-aabot ng bayad. Marami na akong na-encounter na ganito sa araw-araw kong pagsakay ng hari ng kalsada at kahapon nga ay muli kong nakadaupang palad ang isa sa kanila.

Nung una ay mahinahon at magalang akong nakisuyong iabot ang bayad kay manong driver. Pangalawang beses, wa-epek pa rin at tila frozen in time si Ate sa kanyang pagkakaupo. Pangatlong beses ay nilakasan ko na ang boses ko sabay kalabit kay Ms. Ganda, “BAYAD HO, PAKIABOT LANG, SALAMAT”. Sa wakas ay lumingon siya at kahit badya ko ang kanyang pagkainis dahil naistorbo ko ang kanyang day dreaming session ay iniabot niya ang aking siyete pesos na pamasahe.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang iabot ang bayad ng kapwa niya pasahero, ilang segundo lang namang gawain yun at di naman kukunin ang lahat ng kanyang ever so precious time diba? Hindi niya ba alam na ang pag-sakay sa dyipni ay isang social activity. Di mo kakilala ang mga kasama mo but your sharing whatever space there is in the rusty automobile. Iaabot ng ibang pasahero ang pamasahe mo at bilang ganti ay diringgin mo ang payo ng iyong mga magulang at iaabot ang pamasahe ng iba. That’s so simple, right?

Till my next rant. Peace.🙂

10 thoughts on “Manong Bayad Po, Pakiabot Lang

  1. Pa-comment po ah. Astig ka tadonggenius. Wag na lagyan ng kuno.🙂

    Ito ang fave line ko sa post mo. “Hindi niya ba alam na ang pag-sakay sa dyipni ay isang social activity.” Tama naman nga. Meron lang talagang mga impakta at impaktong pasahero na akala mo e kanila na ang jeep. Tsk tsk.

    Buti na lang at tricycle na lang ang sinasakyan ko papunta sa work ko. hehe.🙂

  2. Hilarious entry! Hahaha! Tama, ang jeepney ay isang social activity. I’m sure di rin siya matutuwa pag siya naman ang hindi pinansin pag pinapaabot niya yung bayad niya!🙂

  3. Tama lang na lakasan mo ang boses mo at kalabitin mo sya. Kahit ako din, medyo naiinis sa ganun lalo’t sya ang pinakamalapit na pwedeng mag-abot ng bayad or sukli. Akala mo ba ay mag-isa sya sa jeep or inarkila nya ito kaya wala syang pakealam sa ibang sakay. Hmp!

    Galing pala ako sa PB. Dalaw ka din sa blog ko huh. Magandang gabi!😀

  4. Tama naman na dapat mag-abot ng bayad, pero yun ay kung marami na laman ang jeep. Ang pet peeve ko naman ay yung ang luwag na nga ng jeep, pwede namang iabot mag-isa eh kung makapagpaabot eh akala mo ikaw ang katulong nila. Ang sarap lang sampalin. O di kaya naman yung mga tipong kanina pa nakasakay at mag-aantay talaga ng bagong sasakay para lang ipaabot ang bayad nila. Wow ha! Kups to the highest level.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s