Iskrambol, Ayskrambol, Ice Scramble


ice scramble

iskrambol kayo dyan!

Pauwi na ako kahapon ng madaanan ko ang kiosk ng “Scrambles” sa basement ng Star Mall Alabang (The Mall Formerly Known As Metropolis) at ano pa nga ba ang tinda nila kundi ang aking ultimate childhood favorite na ice scramble. I suddenly felt I was back in my nine year old self, kakatapos lang ng klase at excited na bumili ng ice scramble kay Manong na nasa labas lang ng aming pampublikong paaralan.

Dahil nga sa may pila (sign of popularity o curiousity ng mga tao sa bagong produkto) at sa aking sense of nostalgia ay napabili ako ng ice scramble ng wala sa oras.Β  10 pesos dun sa nasa clear na plastic cup (kapareho nung sa taho) at 25 pesos naman sa nasa malaking paper cup, binili ko yung nasa paper cup dahil mas malaki at mas environment friendly (yeah, right).Β  May topping ito na rice crispies, marshmallow, powdered milk at choco syrup.

The verdict: Ok lang, meaning it will not blow your mind but its not the worst ice scramble either. I would still prefer the old school one over this mallified version(imbentong word). Ewan ko ba, maybe it’s just nostalgia, maybe it’s the alikabok and dirt (kolehiyala bigla) pero iba pa rin ang lasa ng ice scramble na nabibili sa labas ng maraming pampublikong paaralan sa kapuluan ng Pilipinas.

The Question: Bibili ba ako nito ulit? Maybe, pag gusto ko muling bumalik sa nakaraan at maramdamang bata ako uli (well maybe not, dahil sipunin akong bata noon, ewww…πŸ™‚ ) And if I buy one in the future ay yung tig-sampung piso na lang, sayang ang kinse pesos, pamasahe din yun sa jeep at tricycle.

But don’t take my word for it. Maybe you’ll have a different opinion about the ice scramble from Scrambles. Buy one and tell me whatchathink. Till my next rant. Peace.πŸ™‚

(Scrambles is located at the food court of Star Mall Alabang, near Julie’s Bakeshop)

6 thoughts on “Iskrambol, Ayskrambol, Ice Scramble

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s