Chichiria Nostalgia


Gaya ng karamihan ay mahilig din ako sa chichiria noong ako ay bata pa, lagi akong may baon na chichiria nung elementary at ito pa nga ang naging dahilan kung bakit ako nagka-ulcer dahil sa mas gusto ko pa ang lasa ng Cheezums at Pompoms kesa kumain ng kanin at ulam. At kahit ngayon na di na rin ako ganun kabata (at di pa rin ganun katanda🙂 ) ay may mga oras na gusto ko pa rin kumain ng chichiria. Yun nga lang kahit masarap ang Piattos at Nova o kahit yun mga tig-pipisong kutkutin gaya ng Kiss o Jacky Tyan (o, alam nyo ba yang mga yan?) ay hinahanap ko pa rin yung mga chichiria na nabibili ko nung ako ay pumapasok sa eskwela na naka-khaki shorts at rubber shoes na walang medyas.

Let me give you a run down of my favorite chips:

1. Pompoms (nabanggit na sa itaas) – maumaming cheese curls na light blue ang pakete, higit na mas malasa kumpara sa Jack n’ Jill Cheese Curls at 50 sentimos lang ang isa pero sulit na sulit naman. Ewan ko kung tama ang pagkakatanda ko, elepante ata yung nakadrawing sa pakete nito, correct me if I am wrong.

2. Wonder Boy – iilan lang ata ang nakakaalala o nakatikim ng mala-tortillang chichiriang ito. Di gaya ng ibang chichiria na maliliit na piraso, ito ay pabilog na manipis at 3 piraso ang laman ng isang plastik. Alam kong puno ito ng vetsin dahil maumami rin gaya ng ibang chichiriang nakahiligan ko. Di ko alam kung meron pa nito dahil wala na akong makita sa mga sari-sari store at sa palengke.

3. Cheezums – parang pompoms pero mas malalaking cheeze curls, berde ang pakete.

4. Chikadeez (tama ba spelling ko?) – Ito yung may libreng laruan na mala-goma at dumidikit sa pader. May kasama pa itong isa pang chichiria na di ko lang matandaan ang pangalan (memory gap, sencia na sign of aging🙂 )

Next time na yung iba kasi nagugutom na ako eh…hehehe…Tell me whatchathink. Till my next rant. Peace.🙂

5 thoughts on “Chichiria Nostalgia

  1. meon pa bang mga ganyan hanggang ngaun? hehehhe.. parang nver heard ang mga yan eh..hehehe.. Peace..🙂
    anyway, try ko hanapin yan mga cnasbi.. nakakacurious..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s