Iskolar ng Bayan…Ngayon ay Lumalaban


Kagabi ay napanood ko sa TV Patrol ang protestang ginagawa ng ilang estudyante sa aking alma mater na Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay kaugnay ng napabalitang plano ng unibersidad na magtaas ng matrikula ng higit sa dalawang libong porsyento, ibig sabihin ang dating P12.00 kada unit ay magiging P200.00 na. Mababa kung ikukumpara sa matrikula ng ibang unibersidad subalit higit na mataas sa dati at lubos na magpapahirap sa mga iskolar ng bayan na karamihan ay galing sa pamilyang hindi naman nakakariwasa sa buhay.

Pabor ako na magprotesta, karapatan nating lahat yan bilang mamamayan ng isang demokratikong bansa at sa isyung tulad ng pagtaas ng matrikula ay nararapat lamang na ipahayag ng mga estudyante ang kanilang opinyon hinggil dito.  Ngunit, subalit dapat itong gawin sa mapayapang paraan. Hindi sa pagsusunog ng mga upuan. Kulang na nga ang mga pasilidad ay sisirain pa natin ang iilang ginagamit ng iba pang estudyante. Baka imbes tuloy na makakuha ng simpatiya ay mainis ang mga nakakapanuod nito at isipin na ang mga taga-PUP ay walang pinag-aralan at walang modo. Ang ganitong gawain ay pinagmumulan ng anarkiya. Idaan na lang sana sa mabuting usapan para nagkakaliwanagan.

Hindi lahat ng nasa PUP ay kabilang sa mga napanuod natin sa TV Patrol (o 24 Oras kung isa kang Kapuso), mas marami ang mahinahon at nagnanais na pag-usapan ang isyung ito. Sana lang ay maging bukas ang magkabilang panig sa diskusyon at huwag hayaan na poot ang mamayani.

Yan lamang ang aking opinyon bilang dating mag-aaral ng PUP. I am still proud to be an Iskolar ng Bayan.🙂

3 thoughts on “Iskolar ng Bayan…Ngayon ay Lumalaban

  1. Ako din ay isang dating mag- aaral ng PUP at nais ko rin na manatili sa mababang halaga ang tuition fee ng aking Unibersida na pinanagalingan dahil alam na alam ko na maraming mga estudyante na nagmula sa pamilyang di nakaririwasa sa buhay ay nakakakita ng pag-asang makatapos sa pamamagitan ng PUP. Kung itataas ang halaga ng matrikula papano na lamang nila maipapagpatuloy nag kanilang mga pangarap.Naksasama ng loob, totoo, pero sang ayon ako na di dapat idaan sa marahas na pagpoprotesta ang mga ganitong hinaing. Pano natin maipapakita ang kagustuhan ng mahihirap na makatapos kung susunugin at sisirain natin ang mga kagamitan na malaking tulong sa pag aaral.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s