The Big Fat Freak Wedding (FICTION)


Brrrr… ang ginaw talaga sagad hanggang buto ang lamig.

Kundi lang naman kasi kami pupunta sa pesteng kasal na yan di ako maliligo ng maaga. Mas gusto ko pang mamaluktot sa higaan at matulog ng mahimbing. Si Tatay naman kasi, ilang beses ko ng sinasabing ayokong umatend sa kasal ni ano, sino ba yun, si ano,  Ginger tama, Ginger nga (bagay naman yung pangalan niya dahil mukhang pinitpit na luya yung pagmumukha niya).

Yun kasi yung inaanak niya na nabuntis ng nobyo kaya napaaga ang kasalan. Pero ang usap-usapan dun sa kanila ay pinikot lang naman niya yung lalaki para pakasalan siya. E sa mukha ba naman niyang parang dinaanan ng sampung kabayo baliw na lang siguro ang papatol. Kundi man baliw ay siguradong nakadrugs.

Opo, lalabas na po, isang buhos na lang. Hay naku, kundi lang ako uumbagin ni erpats sasama ako sa gimik ng barkada ngayon. Siguradong ma-a-out of place ako sa kwentuhan nila bukas. Ako naman ay magkukuwento lang ng pagattend ko sa kasal ng bisugong yon.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote ng tatay at pinagsuot pa ko ng barong eh hindi naman ako kasama sa entourage. Nagmukha tuloy akong bangkay sa suot ko, kulang na lang bulak sa ilong at lalakad na ang karo. ‘Tay, puwede bang sumunod na lang ako sa inyo ni Nanay kasi ang tiyan ko, baka mamaya pa ako maka-recover eh. Sinusubukan lang baka kasi maka-lusot. ‘Tay naman sasama na ako sa inyo wag nyo lang akong ireto sa kapatid ni Ginger na si Mona. Hindi ko yata pinangarap na makipag lovey dovey sa pinagmulan ng sangkatauhan, Eeew yuck nasusuka na ako ngayon palang.

frankenstein

Hay salamat tapos na rin ang seremonya kawawang Ronald habang buhay ka ng nakatali sa babaeng cross between a bisugo and a genetically modified ape.

Ok pose na kayo at kukunan ko na kayo ng wedding picture.

O Ronald smile naman diyan, this is your day kaya dapat masaya ka. Siya nga pala condolence este best wishes pala. Masasanay ka rin naman sa pagmumukha niyang si Ginger kaya tiis muna. Mabuti pa tunggain mo na lang yung punch para kahit papano eh makalimutan mo ang iyong kinasasadlakang married life. Saka ayaw mo mo ba nun may asawa ka na may pet ka pa. Two birds with one stone ika nga nila. Kaso hindi dove yung tinamaan mo kundi buwitreng handang lantakan ang tulad mong specimen of the male kingdom.

Sige maiwan na kita at pupuntahan ko pa si erpats. Nyaiiiks, Godzilla maawa ka, Mona ikaw pala akala ko kasi ikaw yung higanteng halimaw na may kaliskis. Anung sabi mo, kung puwede tayong magsayaw. (Nahihibang na yata to, barracuda na nga di pa makaintindi)

Anong sinabi ko?, wala naman akong sinabi ah. Pasensya na kasi,babatse na ako dahil may gimik kaming barkada. Tay, andyan ka pala, plis naman tay, paalisin nyo na ako, kulang pa ba na sumama ako sa inyo ni Nanay.

Ano? di nyo ko bibigyan ng allowance ng isang buwan?!!. Tay naman sobra na yan. Sige na nga makikipagsayaw na ako sa bisugong to. Basta wag nyo lang kaming pipiktyuran…Ba’t may nagflash sino yun, kaninong camera yun. Ah Patty ikaw yun ano, nakangisi ka pa. Akina yang camera kung hindi tatamaan ka. Ano ba Mona lubayan mo nga ako para kang ulupong kung makayakap. Patty walanghiya ka pag nahuli kita %&#@$*& mo lang ang walang latay. Siguradong pagtatawanan ako ng barkada pag nakita nila ang Kodak moment ko with that radioactive creature from outer space.

P-a-a-t-t-t-t-t-t-y!!!

One thought on “The Big Fat Freak Wedding (FICTION)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s