Amores Perros


Dogs are man’s best friend, right? but what if you decide to kill your best friend just because it keeps on eating the lovely plants in your garden? Sounds like your not a best friend after all.

Kaninang umaga ay sinabi ng nanay ko na balak daw ipakatay ng aming kapitbahay ang alaga nilang aso, ang dahilan palagi raw kasi nitong sinisira ang mga halaman sa munti nilang hardin. ok, yan na pala ang uso ngayon, imbes na i-enroll sa obedience school ang kawawang aso para madisiplina eh mas nanaisin pa ng isang animal lover-kuno na ipulutan ito ng mga sekyu ng subdibisyon. Mabuting gawain, para na rin nating sinabi na kung ang anak mo ay pasaway ay ibebenta natin ito sa mga sindikato upang mabawasan ang ating sakit ng ulo…good riddance..tsk..tsk..tsk

Backgrounder: ang aso na sa tingin ko ngayon ay pinagpipistahan na ng mga mababait na guardians ng village namin ay anak ng me breed na aso ng kapitbahay namin sa (based sa aming findings na galing sa theory of evolution at law of thermodynamics) aming alagang mongrel, in short the dog isn’t what purist dog breeders would like to take care of. Yan din ang naisip ko kung bakit nagdesisyon ang neighbor namin na gawing azucena si doggie howser, dahil kung ang asong yun eh isang siberian husky, belgian malinoise o american adobo eh di maaatim ng kanyang amo na pulutanin ito ng mga sunog baga naming sekyu. Isang malinaw na halimbawa ng diskriminasyon sa animal kingdom, kahit pagdating sa pets eh lumalabas ang bigotry ng humanity.

Meron kayang lugar sa impyerno ang mga taong gumagawa nito, lugar kung saan ang mga makasalanang nilalang na may pananagutan sa animal rights ay ginagawang pet with matching accesories at pinapatumbling ng ilang beses ng kanilang animal masters. Sana meron,  dahil kung wala eh wala man lang makukuhang hustisya ang asong yun.

May he rest in peace.

Sige mga kanguso at kapatilya..till my next rant…arf,arf

2 thoughts on “Amores Perros

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s